Hindi pa rin siya makapaniwala sa tinitingnan. Ang kwintas. Ito nga 'yon. Hindi man niya alam ang tunay na mukha ng kwintas, ngunit ramdam niyang ito na nga iyon. Ang kwintas na dahilan ng lahat ng kamalasang nangyari sa araw na ito... ang dahilan ng pagkamatay ng ina.
Nakatitig pa rin siya sa larawan ng kapatid. Kinuha ang picture frame at inilapit ang mga mata rito. "Pero kung..."
Kumunot ang kanyang noo. Hindi niya alam kung dapat na ba siyang magsaya o hindi. Dahil maraming tanong ang sumasagi sa kanyang isipan.
Bakit nasa leeg ng bunsong kapatid ang kwintas? Ibinigay ba ito ng kanyang ina? Kung oo, ibig sabihin ba nito ay totoo ang lahat-lahat ng kanina pang sinasabi ni Oliver? Ngunit, kung nasa kamay ito ni Ford, bakit pa rin ito hinahanap ng kinakapatid? Wala ba ito sa kapatid o nagmamaang-maangan lamang ang lalaki na wala pa rin ito sa kanyang kamay?
Si Ford. Kung nasa kanya ang kwintas ay dapat sana'y nakita na nila ito. Hindi na sana sila naghanap pa nang naghanap... at sana'y nakauwi na si Ford.
"Maaari kayang—" Napalunok siya at akma sanang ilalagay ang kanang kamay sa labi para mapigilan ang ang sarili na masundan pa ang masamang iniisip nang maalalang nakatali pa rin ang dalawa niyang kamay sa kanyang likod.
"Please. Sana naman walang nangyaring masama kay bunso." Iyan lang ang kanyang hiling at nanakit na naman ang kanyang dibdib dahil sa takot sa kung anong mangyayari sa kanya... at sa kanyang bunsong kapatid.
Tumigil lamang siya nang makarinig siya ng yabag ng mga paa sa labas. "Narito na siya," sa isip-isip niya at hiniling na sana ay hindi pa nito ginagawa sa kapatid ang kinatatakutan niya.
Nakita niyang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaki. Gusto sana niyang tanungin ito kung pwede na siyang makaalis, ngunit nandoon pa rin ang galit sa mukha nito. Hindi niya alam kung nagagalit pa rin ito sa kanya o dahilan ito nang kaninang tumatawag sa telepono.
"Tara sa ibaba."
Nang marinig ito'y kunot-noo niya pang tinitigan ang mukha ng lalaki. "Ha?"
"Sabi ko tara sa ibaba!" sigaw nito at akmang lalapitan siya.
Naipikit na lamang niya ang kanyang mga mata dahil sa takot. Baka ulitin na naman nito ang pagsuntok sa kanyang mukha.
"Ayaw mo talagang tumayo!"
"S-sige. Sige na. T-tatayo na." Pinwersa niya ang sariling tumayo kahit hindi pa rin nawawala ang sakit ng kanyang tuhod.
Maika-ika pa niyang sinundan ang lalaki nang magsalita ito. "Nasubukan mo naman sigurong maglinis, no?"
Nabigla siya sa tanong nito at napatigil sa paglalakad. "Anong ibig mong sabihin?"
"Huwag mong sabihing 'di ka marunong mag—"
"Alam ko," walang anu-ano'y pagtigil niya rito. "Marunong naman ako," tumigil siya at inisip ng mabuti ang susunod na sasabihin, "Pero ano ang lilinisin ko?"
May namumuo ng ideya sa kanyang isip, ngunit gusto niyang iwaksi ito. Hinihiling na hindi rin ito ang gustong ipagawa ng lalaki dahil hindi niya alam kung makakaya niyang gawin iyon.
Ngunit tila nagugustuhan talaga nitong pahirapan siya. Hindi na sinagot pa ni Oliver ang kanyang tanong at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto.
"Ano ba?!" galit na tawag niya rito. Ayaw niyang galitin pa ang lalaki, ngunit sobra namang ipalinis pa nito sa kanya ang katawan ng ina. "Ano pa bang kwenta—"
"Gusto mong makita ni Ford 'yang katawan ng nanay mo?"
"H-ha?"
Humarap pa ang lalaki sa kanya at akmang lalapitan siya. "Gusto mo na siyang makita, 'di ba? Kaya ayan, uuwi na siya. Tangina."
![](https://img.wattpad.com/cover/301546676-288-k926651.jpg)
BINABASA MO ANG
Pamilya Perfecto
Misterio / Suspenso"Sa pagbabalik ni Ana sa kanilang mansyon, nagbalik din ang kanyang kinakapatid sa ama, ngunit hindi sa dahilang inaasahan niya..." Perpekto ang pamilya ni Ana Santiago. Maraming negosyo at ari-arian ang kanyang ama, at ang ina naman niya'y dating k...