Anak ni David at Martha Santiago, kumusta na?
Isang taon mula nang mangyari ang pagpatay sa mansyon ng kilalang businessman na si David Santiago at ng dating artista na si Martha Cortes, namataan ang dalawa nitong ulila na bumisita sa puntod ng mga ito, kahapon.
Ayon sa mga nakasaksi, nakita raw nila ang dalawang anak ng mga ito na sina Ana at Ford na may dala-dalang rosas at kandila. Ngunit, hindi raw nagtagal ang mga ito ng isang oras.
Nakita raw kasi nila ang dalawa na dumiretso agad sa puntod ng kinakapatid ng mga ito na si Oliver Santiago at ng ina nito na si Marie Joyce Ibañez, anak ng dating sinador na si Jose Ibañez.
Ilang buwan lamang ang nakaraan pagkatapos ng nangyaring patayan sa bahay ng mga Santiago kung saan natagpuang patay sila David, Martha, at Oliver ay naibalita naman sa buong bansa ang totoong nangyari sa pagkamatay ng una nitong asawa.
Ayon sa mga saksi na bigla na lamang lumutang pagkatapos mamatay ni David, hindi raw nagpakamatay si Ibañez. Binayaran lamang daw sila para ipalabas na suicide ang nangyari. Ngunit hanggang ngayon, malaking katanungan pa rin kung kasabwat nga ba si Martha o hindi sa pagpatay.
Sa huli, wala ng nangyaring kaso laban sa mga Santiago. Hindi rin naglabas ng pahayag ang mga pulis at ang panganay na anak ng mga ito tungkol sa tunay na nangyari nang araw ding iyon.
Bukod diyan ay wala nang naging balita tungkol sa naulilang mga anak nito, liban na lang sa pagbisita nito sa Faith Hills Cemetery kahapon.
![](https://img.wattpad.com/cover/301546676-288-k926651.jpg)
BINABASA MO ANG
Pamilya Perfecto
Mistero / Thriller"Sa pagbabalik ni Ana sa kanilang mansyon, nagbalik din ang kanyang kinakapatid sa ama, ngunit hindi sa dahilang inaasahan niya..." Perpekto ang pamilya ni Ana Santiago. Maraming negosyo at ari-arian ang kanyang ama, at ang ina naman niya'y dating k...