Kabanata 12 - August 26, 2014

73 4 0
                                    

Nagtuloy-tuloy ang lahat ng walang awayan sa pagitan ng kanyang ina at ama. Walang sigawan at walang pagsampal na naganap. Hindi naman ito ang gusto niyang mangyari, ngunit sa oras 'yon na nasa harap sila ng hapag-kainan ay mas ninais niyang magkagulo-gulo na lang ang lahat kaysa sumang-ayon ang ina sa kagustuhan ng amang pumasok si Oliver sa parehong eskwelahan niya.

"You're stupid," usal niya sa kanyang isip.

Mukha siyang spoiled brat, alam niya, pero ayaw talaga niyang makita silang dalawa sa iisang lugar. Pinag-isipan niya ito kagabi pa. Sa balita tungkol sa pagkamatay nito, ano'ng iisipin ng lahat sa kanila? Na mamamatay-tao ang kanyang mga magulang? At anak siya ng mga mamamatay-tao?

At isa pa, kahit hindi man totoo ang bali-balita, hindi niya alam pakitunguhan ang kinakapatid. Hindi siya kailanman nagkaroon ng kapatid, lalo na at lalaki. Maski mga kaibigang lalaki ay wala siya. Lalo na at mga kaibigang babae. Dahil nasanay siya. Nasanay na siya bilang nag-iisang anak. Nasanay na siyang palaging nag-iisa sa malaking mansyon nila.

Pero hito siya ngayon, katabi ni Oliver sa backseat habang ang mga magulang ay nasa harapan ng sasakyan. Ang kanyang ama ang nagmamaneho at ang ina naman ang nasa passenger seat. Parang katulad lang ng dati.

"Just like before," saad niya sa sarili at pilit na napatawa.

Ang kaibahan lang ay dalawa na sila ngayong hindi nagsasalita sa likod. Ang kanyang ama ang nangunguna sa pagsasalita, na sesegunduhan naman ng kanyang ina.

"Are you worried, dear?"

Bigla siyang napatingin sa tinuran ng ina. Hindi siya ang pinupunto nito kung hindi si Oliver. Katulad niya, nabigla rin ito, ngunit ngumiti ito bilang sagot. "H-hindi po."

"Oh, don't be afraid of me, hijo," ngumiti naman ang kanyang ina. "Are you usually like that?"

"Po?"

"Like that. Are you more okay with speaking Tagalog than English?"

"Ah... yes po." At ngumiti ulit ito.

"Well, that's good to hear." Nakangiti rin ang kanyang ina, ngunit kitang-kita niya sa mukha nito na napipilitan lamang itong makipag-usap sa kinakapatid. Kahit siya ay miminsan lang nitong kausapin, lalong-lalo naman ang kanyang ama, liban na lang kung nag-aaway ang dalawa na madalas nilang ginagawa.

"Don't worry, son." Ang ama naman niya ang nagsalita. "Everything will be fine... It will all be settled by your tita."

Noong una'y hindi pa nito alam kung sasagot ba o hindi, ngunit nang magtama ang kanilang tingin ay napilitan itong sumagot sa kanyang ama. "O-okay po."

"And Ana, darling, please be Oli's tour guide, okay?"

Nagkatinginan pa silang dalawa ng ama gamit ang rear-view mirror. "Y-yes, dad."

"Then, everything's okay."

Napatingin pa siya sa labas at mas lalong kumabog ang kanyang dibdin nang makitang malapit na nga sila sa eskwelahan. Nag-right turn pa ang ama at dire-diretsong ipinasok ang sasakyan sa bukana ng eskwelahan.

Ilang minuto pa'y tumigil na ang sasakyan at lumabas na ang ina. Sumunod naman agad-agad si Oliver rito, at naiwan siya sa sasakyan.

"Won't you go with us, dad?"

"Darling, I have business to do." Pilit ang ngiting pinapakita nito. "Besides, your mom will be there, don't worry."

Ayaw pa sana niyang lumabas, ngunit agad-agad na binuksan ng kanyang ina ang kaliwang pinto ng sasakyan.

"Don't let your mom wait, darling."

Tumingin pa siya mula sa mukha ng ama at sa nakataas na kilay ng ina. "Y-yes, dad."

Pamilya PerfectoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon