Kabanata 23 - May 22, 2021

49 3 0
                                    

Bakas sa mukha ng kanyang ama ang purong saya. Gusto niyang masuka. Kung wala lang ang bunsong kapatid ay siguro minura na niya ito, sinigawan, pinagsusuntok, sinaktan... tinanong. Dahil kahit may mga bagay na nasagot na, mas marami pa ang hindi niya mawari kung ano talaga ang koneksyon sa kanya at sa lahat-lahat na nangyari ngayong araw. Kailangang masagot itong lahat, at isang tao lang naman ang nakakaalam ng sagot... ang kanyang dakilang ama.

"Hello, darling."

Walang ano-ano'y niyakap siya nito na ikinabigla niya. Gusto niyang itulak ang katawan nito palayo sa kanya, kung hindi lang sumali ang kanyang bunso sa yakapan nilang mag-ama.

"Yehey group hug!" masayang sabi pa nito at pilit silang hinila pababa para naman maayos siyang makayakap sa kanila.

Narinig pa niya ang pagtawa ng ama na sinundan naman ng kapatid. "If you only know, Ford, if you only know," saad niya sa kanyang isip kahit iritable na sa ginagawang pagyakap ng ama, na napapansin niyang mas lalong humihigpit.

Bigla lamang itong natigil nang nag-aya na ang kanyang bunso na kumain at nanguna pang bumaba.

"F-ford!" tawag niya rito. Hindi pa niya natapos ang ginagawa niya kanina. Baka makita pa nito ang mga dugo. "Why don't we—"

"It's okay, darling. Let him go downstairs."

Ngumiti pa ulit ito bago sinabayan ang kanyang kapatid paibaba. "Smile all you want, dad. Smile all you want."

"Won't you go with us, darling?"

"Dad," mariin niyang tawag dahilan para tumigil ang mga ito sa may hagdanan. Anong sasabihin niya? "M-my bag... can I get it?"

"Don't make me laugh, darling. Of course, you can."

Pinilit niyang hindi ipakita ang pagkainis na nararamdaman niya ngayon. Kailangan niyang kumalma, huwag ipakitang alam niya na. "I mean... the thing inside it... For bunso."

"Ah, of course, darling, of course."

Sa tingin niya'y naintindihan na nito ang gusto niyang sabihin. Ngunit may iba siyang plano para rito...

"Can you just go there first? I'll just clean everything, then I'll eat with you." Pinilit niyang sabihin ng hindi nauutal at nakangiti, kahit gusto na niyang itulak palayo ang kanang kamay nito mula sa pagkakahawak sa kanyang kapatid.

"Don't worry, ate, we'll wait for you."

Gusto niya nang yakapin ulit ang kapatid, kung hindi lang talaga nasa ganitong sitwasyon sila ngayon. "Is that a promise?" Pinilit niyang ngumiti.

"Yes, ate. I'm a good kid kaya."

"I know. I know," agad niyang sabi habang hindi pa rin tinatanggal sa labi ang ngiti.

"Now, is it okay for us to go now, kiddo?" Biglang singit naman ng kanyang ama.

Sinagot naman ito ng kanyang bunso nang masayang pagtango, at sinimulan na ng dalawa na maglakad paibaba ng hagdan.

"Now, go with us downstairs, Ana." Madiin ang pagkakasabi nito sa pangalan niya, dahilan para mapalunok siya ng laway. Hindi ito tanong, kundi utos. Maaaring alam na nitong may alam siya. Kaya kahit ayaw niya ay sinundan niya ang mga ito.

Sa bawat paghakbang, nakatingin lamang siya sa mga ito, hindi inilalayo ang tingin sa takot na may kung anong gawin ang ama. "What will you do now, dad?"

Tila naramdaman ata ng ama ang pagtitig niya sa mga ito at nang makarating sila sa ibaba ay ibinaling nga nito bigla ang tingin papunta sa kanya. "Ana, darling..." Parang nag-iisip pa ito nang sasabihin. "I know everything you're doing, so don't do something that you might regret later, okay?"

Pamilya PerfectoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon