CHAPTER 2: WELCOME TO MANILA

16 2 0
                                    

ELVIE

Sabi ko kay Billy matagal pa naman bago ang pasukan pero heto ako ngayon at nag-iimpake na ng mga gamit ko.Huhu(ToT) Ang bilis ng oras,aalis na agad kami bukas.Di pa ko ready.Ayoko pa umalis pero anong magagawa ko? Ilang araw na lang pasukan na at marami pa kaming aasikasuhin kaya kailangan na namin umalis.

"Anak mag-iingat ka doon ha,tandaan mo ang bilin namin sayo ng papa mo" paalala naman sakin ni mama habang tinutulungan akong mag-ayos ng gamit ko.

"Opo 'ma ,kayo din po ingat po dito mamimiss ko po kayo" sabi ko naman.Mamimiss ko talaga sila sobra,close ko kasi silang lahat dito eh.

"Mamimiss ka din namin anak, basta mag-aral kang mabuti para pagbalik mo ay maipagmalaki ka namin dahil nakapagtapos ka ng kolehiyo."

"Opo ma ,hindi ko po kayo bibiguin" sabi ko naman kay mama.Niyakap ko siya pagkatapos.

********

Hindi ako nakatulog kagabi ,hindi kasi ako mapakali eh.Ngayon na ang alis namin.Hindi na'ko maihahatid nila mama sa sakayan dahil may trabaho pa sila ni papa ,si ate naman babantayan ang mga kapatid namin.Wala tuloy mag-hahatid sakin.hayss...

Naligo na'ko tapos inayos ang sarili.Nagsuot lang ako ng fitted jeans at Croptop white shirt na may maliit na pusong kulay pink sa gilid.Inilugay ko lang ang maikling buhok ko ,hindi din naman ako marunog magbraid eh.

Maya-maya pa dumating na si Billy dala din ang gamit niya.

"Ano ? Ready kana ba?" Tanong niya sa'kin

Tumango naman ako bilang tugon at kinuha na ang mga gamit ko.

"Kinakabahan ako insan" sabi ko kay billy habang nasa tricycle kami papuntang sakayan ng barko.

"Ano kaba wag ka kabahan kasama mo naman ako eh tsaka masasanay ka din naman " sabi niya naman sakin.

May tiwala naman ako kay Insan kaya lang hindi ko naman kasi siya palaging kasama diba ? Syempre may mga times din na hihiwalay siya sa'kin.Pa'no na'ko? Hayss bahala na nga si Lord sa'kin.

Matapos ang 20 minuto na biyahe sa tricycle ay nakarating din kami sa wakas sa sakayan ng barko.Grabe ang daming pasahero at naglalakihan talaga ang mga barko.

Ignorante na kung ignorante ,first time ko kasi makarating dito.Hindi naman kasi ako lumalabas sa probinsya namin.Doon at doon lang din ako gumagala.

Kinakabahan ako na excited...Naging ok naman ang pagsakay namin sa barko.Kahit nung una kung ano-ano iniimagine ko na baka lumubog ang barko katulad sa titanic o kaya naman ay may pating at kainin kaming mga pasahero dito hahahaha!

Edi wow sayo Elvie!


Ligtas naman kaming nakarating ng Maynila.Agad naman naming pinuntahan ng pinsan ko ang tutuluyan namin.Isang bording house siya na kakilala nila papa ang may-ari.

"Magkahiwalay ang room ng lalaki at babae dito sa bording house ko kaya magkahiwalay din kayo " sabi ng babaeng kausap namin ni Billy ngayon.

Ang edad niya ay nasa 50s , mukhang malakas pa siya.

"Hindi po ba pwede magkasama kami? Magpinsan naman po kami tsaka hindi naman po lalaki yan eh ,binabae po yan " sabi ko naman sa manang kaya siniko ako ni Billy ,ang sama ng tingin sakin.

Bakit totoo naman ah! Gay kaya si Billy.

"Ay hindi pwede ineng , ano ka ba ,sa mata ng diyos dalawa lang ang kasarian na meron ang tao kaya 'wag ng makulit " sagot naman ng matanda.

Wala naman akong nagawa kun'di pumayag sa patakaran ng manang.Kay Insan naman mukhang ok na ok kasi naman puro mga lalaki ang kasama niya doon diba?

Psh! May pasabi-sabi pa siya ng 'wag ka kabahan kasama mo naman ako eh' tss! Asan siya ha! Asan! Argh! Kainis!

Smithereens (GBF×BBF) [under Editing]Where stories live. Discover now