Chapter 24 : IS IT TOO LATE?

7 2 0
                                    

ELVIE

"Nasa'n na 'yun?"bulong ko sa sarili habang tinatanaw sila Wacky na mukhang ghinost na'ko.Hays sayang naman ang libre naging bato pa.

Loko 'yung mga 'yon ah hindi ako hinintay hmp!Paalis na sana ako ng cafeteria nang may magtakip ng mata ko.Pagkawak ko ng kamay niya sa mata ko ay nalaman ko agad kung sino siya.

"Wacky ano ba 'yan!"pilit kong inaalis ang kamay pero ayaw.Dinig ko ang paghagikgik niya habang iginigiya ako papunta sa kung saan.

"Saan ba tayo pupunta?bakit ba tinatakpan mo ang mata ko ha?"

"Shhh ka na lang muna may surprise kami sa'yo",excited na sabi niya.

Naku po! diskumpiyado ako riyan , last time kasi na sinurprise niya ko ay talagang nabambo ko siya ng walis tambo tsk!

"Nasa'n na ba tayo Wacky?"

"Malapit na"

Mga ilang hakbang pa ang ginawa ko at huminto na kami.Nakarinig ako ng naghahagikgikan sa paligid ko , 'yan na nga ba sinasabi ko e'.

Nagbilang siya ng tatlo at dahan-dahan niyang inalis ang takip sa mata ko.



3.....





2.....




1.....!




"SURPRISE!!!!" Sabay-sabay nilang sigaw nang maalis na ang piring sa mata.

Nakaupo silang lahat sa sapin na nilatag sa damuhan at may mga pagkain.Kumpleto sila pati si Julie na naka-zoom app.

Ano'ng meron?

"Hi Elvie! I miss you!"wika ni Julie via Zoom app.

Pati si Shin nandito na rin.Teka kanina nando'n pa siya sa library ah?Nag-teleport ba siya?

"Let's go guys ,kain na tayo baka labgawin na 'tong pagkain oh!"saad ni Riki kaya lumapit na kami ni Wacky sa kanila.

Tumabi ako kila Raine at 'insan."Ano'ng meron?bakit niyo naisip gawin 'to?"takang tanong ko.

"E' kasi pansin namin hindi na tayo masyadong nagkakaksabay-sabay kumain magkakaibigan , tapos ikaw lagi ka raw malungkot sabi ni Wacky hindi na raw ikaw ang masayahin na Vienxie na nakilala niya so 'ayon nagplano kami na maghanda ng mini picnic tapos magsabay-sabay tayong kumain.Magandang bonding 'to para sa'tin diba?"sabi ni 'insan.

"True , at alam mo ba ?si Wacky talaga ang pinaka nag-isip at gumawa nito for you ,hihi ang sweet diba?"kinikilig na bulong ni Raine.Bakit kailangan pabulong ? Napatingin tuloy ako kay Wacky na saktong nakatingin din pala sa'kin , nang mahuli ko siya ay agad din naman umiwas ng tingin.

Ang weird ,dati kapag nagkakahulihan kami ng tingin niyan nandidila 'yan na parang bata.Nahipan yata siya ng mabuting hangin.

Sabay-sabay na kaming kumain.Grabe na-miss ko 'to , 'yung sabay-sabay kami dito sa tambayan namin.Kahit agaw pansin ang set-up namin dito sa mini park ay wala silang pakialam ,ang mahalaga ay masaya kami.

"Kamusta kana diyan Julie?Grabe miss na kita so much, nabawasan ang classmate kong matalino at maganda",saad ko kay Julie na kumakain din doon sa lugar niya.

Hindi blond ang buhok niya , kulay brown na'yon at medyo umiksi.Bumagay talaga sa kaniya , kahit ano namang kulay ng buhok niya ay bagay sa kaniya.Naik'wento niya na sa'kin dati na mahilig talaga siya magkulay ng buhok , pero kailan ko lang nalaman na may kinalaman 'yon sa pagkakaroon niya ng split personality disorder.

Smithereens (GBF×BBF) [under Editing]Where stories live. Discover now