CHAPTER 3: HORIZONS UNIVERSITY

8 4 0
                                    

ELVIE

6 am ako nagising,mabuti na lang at nakatulog agad ako matapos ko magising sa masamang panaginip kagabi.

Nag-ayos nako ng sarili at lumabas na ng kwarto. Sakto naman gising na din si Raine ,nakaayos na siya.

"Oh gising kana pala eh, kala ko gigisin kita hahaha" biro nya sakin.Naupo ako saglit at kinuha ang damit at tuwalya para maligo.

"Oy hindi 'no masipag kaya 'to" sabi ko naman sa kanya.Nagtawanan naman kami.Nauna na siya sa baba at ako naman ay nag-ayos na.Bumaba na din ako agad pagkatapos ko mag-ayos.

Kaming dalawa ang naghanda ng agahan naming borders.Maya-maya lang nagising na din sila Ate Jenna at Alice.Kami-kami lang ang kumain dahil tulog pa yata ang biys sa taas ,grabe naman sarap tulog yarn?

Nakakwentuhan ko din sila at totoo nga ang sabi ni Raine dahil mababait sila.Mukhang wala naman akong magiging problema pagdating dito sa bording house.

Ako na ang nagpresintang maghugas ng pinagkainan kahit ayaw pa pumayag ni Raine nung una kasi nga daw bagong dating lang ako.

Pero syempre makulit ako kaya napapayag ko din siya sa huli.Sanay naman na ako sa gawaing bahay kaya ok lang sakin.

"Raine pwede ba akyatin si Billy don sa kwarto nila? " paalam ko sa kanya pagkatapos ko maghugas ng pinagkainan.

"Sige lang " sagot niya.Busy siya sa pagpipindot sa cellphone niya eh.

Umakyat naman ako para puntahan na si insan.

Naabutan ko naman siyang nakaupo sa kama niya habang nagsusuklay. Nandon ang dalawa pang lalaki,mga ka-age lang din siguro namin.

Parehong-pareho lang din ang style ng kwarto nila ,design lang ang naiba.Nasa left side si Billy.

"Oh? Gising kana pala" bungad niya sakin.

" Malamang" inirapan ko lang siya tapos ay naupo ako sa tabi niya."Ano oras nga pala tayo pupuntang school?" Tanong ko naman.

" After lunch pa naman bakit ? " Sagot nya.

"Wala lang,tinanong ko lang para alam ko diba"

"Ay oo nga pala guys , pinsan ko nga pala si Elvie.Insan ito nga pala sila Lucas at Mark " pakilala sakin ni Billy sa mga kasama niya dito.Nagshakehands naman kami sa isa't isa.

Mukha naman silang matitino kaya hindi ako masyadong nailang sa kanila.

Nalaman kong bisexual pala itong si Mark kaya medyo malambot din kumilos.Itong si Lucas naman ay mukhang goodboy.

Ang galing naman pala pumili ng borders manang Fe.Puro mababait at matino at higit sa lahat mga goodlooking hehe..

Hindi na namin problema ang bayad sa upa dito dahil si papa na ang bahala don.Sa school naman suportado kami ng Mama ni insan, nasa ibang bansa kasi 'yon nagtatrabaho.May allowance din na ibibigay kada buwan samin ni Billy para sa pang araw - araw naming panggastos.Mabuti at nakumpleto namin ang requirements at naipasa namin ang online examination.

Bali ang role na lang talaga namin ay mag-aral ng mabuti.Doon pa lang masasabi kong sobrang swerte ko na.Kaya nagpapasalamat talaga ako ng super kay God.

Matapos namin maglunch ay nag-ayos na ako ,ganun din sina Raine at insan.Nang matapos mag-ayos ay umalis na din kami.

" Malapit lang ba dito yung school natin?" Tanong ko kina Raine at insan.Kasalukuyan kaming nakasakay sa bus papuntang school namin.

"Oo ,mga 20 minutes lang siguro nando'n na tayo kung hindi matraffic.Lagi kasi kaming naka private car kaya mas mabilis ako makarating ng school dati" Sagot ni Raine.

Smithereens (GBF×BBF) [under Editing]Where stories live. Discover now