CHAPTER 6: MEET UP

8 2 0
                                    

ELVIE


"An'yare d'yan sa paa mo? Grabe ah nawala lang kami saglit ni Billy nagkanda disgrasya kana",sambit ni Raine habang nagsasandok ng kanin.

Umagang-umaga ay sinesermunan ako sa nangyari sa akin kahapon.Hindi ko pa sinasabi sa kaniya ang tungkol kay Shin dahil hindi ako makasingit sa panenermon niya sa akin ,daig pa nila ni insan sila mama sa pagsesermon sa akin.

"Medyo inaantok na kasi ako kaya ayon",sabi ko.

"Eh ano ba kasi talagang nangyari? Puro ka katangahan katangahan e anong klaseng katahangahan ba ang ginawa mo para ma-injured 'yang paa mo at magkasugat ka pa sa tuhod aber?" Mukhang wala na talaga akong lusot nito sa kanila kaya no choice na ako kun'di ikuwento ang nangyari kahapon.


"Eh kasi ganito 'yan , naglalakad na ako palabas ng campus kahapon.Tapos huminto ako saglit at pumikit saglit para i-wash away yung mga random thoughts ko na parang ewan lang tapos pagdilat ko may sumisigaw nang lalaki na nakabike galing ng parking lot ,tapos ayun! Nabangga ako ang ending ito na-injured ang paa ko", Mahabang litanya ko.

"Ano? Eh anong ginawa ng nakabangga sa'yo? Hindi ka man lang tinulungan? E walang hi-"

"Tinulungan niya naman ako at nag-sorry pa siya ng ilang beses",Pigil ko sa paghuhurumintado ni Insan, masyado siyang GG....galit na galit haha.

"Ayun naman pala e ,ang masama ay 'yung hindi kana nga tinulungan hindi pa nagsorry.Ok na 'yun atleast nagka areglo na kayo ng nakabangga sa'yo.By the way , siya ba 'yung sinasabi ni Riki na naghatid sa'yo kagabi pauwi?" Wika ni Raine na nagpalaki sa mga mata ko.

"Huh? Sinong Riki?" Takang tanong ko.Hindi ko alam na may look out pala dito si Raine sa palagid.

"Sino muna ang naghatid sa'yo kagabi? Ikaw ha hindi ka nagsasabi kung sinong kasama mo.Paano kung manyak pala 'yun at may kung anong masamang gawin sa'yo?Ano na alng ang sasabihin ko niyan kay Tita?" Ayan na naman po siya , nag-f-feeling tatay na strict na naman sa akin psh.

"Si Riki , schoolmate natin nakatira dyan sa may malaking Blue na gate sa tapat lang natin.Ipapakilala ko sa inyo kapag may time pero sino muna nga ang naghatid sa'yo kagabi? Wala kang nabanggit sa'min",sabi niya kaya napakamot ako ng ulo.

Sasabihin ko ba? Tingin ko naman ay dapat malaman ito ni Raine para na rin makumpirma ko kung iyong classmate na sinasabi niya at ang naka-encounter ko kahapon ay iisa.Kaya lang itong si Billy ,malamang ay mag-freak out dahil sinabi niya na sa akin na tigilan na ang kakaasa kay Dean.Hays ang hirap mag -decide.

"Ano na be'?"

"Naghihintay kami."

"Eto na ,eto na...Siya din 'yung nakabangga sa akin.Nagpresinta siya na ihatid na rin ako pauwi kasi siksikan sa bus baka mas lumala ang injury sa paa ko kapag nakipagtulakan ako doon sa terminal",wika ko.

"Ay talaga? Ang bait naman pala niyan", Komento ni Raine habang si Billy ay matamang nakatingin lang sa akin , pinag-aaralan ang ekspresyon ng mukha ko.Tinitignan kung nagsisinungaling ba ako o hindi.

"Anyway natanong mo ba kung anong name ni kuyang biker?" Biglang tanong ni Raine.

Helpp! Hindi ko alam kung anong isasagot ko.Ayoko naman magsinungaling sa kanila, kaya lang ay-arrrghhh ewan! Bahala na.

"De-"

"Billy! Billy! " Hindi ko na natuloy ang pagsasalita dahil tinawag ni Manang si Insan.Yes! Thank you lord! Save by the bell si Manang hehez.

Agad na akong tumayo para hindi na mabaling pa sa akin ang atensyon.

Lumapit naman si Insan kay Manang para alamin kung bakit.

Smithereens (GBF×BBF) [under Editing]Where stories live. Discover now