Chapter 14 : BEST FRIENDS...FOR REAL?

7 3 0
                                    

ELVIE

"Uy beh natulog ka ba? Bakit ganyan 'yang mata mo?" tanong ni Raine pagkagising niya kanina.

"Natulog ako , maaga lang nagising hehe ", sagot ko at nagpaalam na lalabas na.

Hindi totoo yun , kasi hindi talaga ako  nakatulog.Siguro namahay lang ako.Noon ngang bago pa lang kami sa boarding house ay ilang araw rin bago ako makatulog nang maayos at mahimbing dahil sa na-homesick ako.Nakadagdag na rin yung pag-iisip ko sa mga ikinikilos ni Julie lately , ang weird para sa'kin feeling ko may mali.

Halos lahat ay gising na nang lumabas ako ng tent namin mga bandang 6 am.Gising na rin ang tropa namin kasi nakita ko sila kanina paglabas ko.Ang hindi ko na lang nakikita pa ay sina Shin at Wacky well wala naman akong pakialam kasi diba nga sabi nila 'Mind your own business' oh pak! gumaganern ang lola nyo hehe

"Ms.Villacorte may naka-assign na bang task sa'yo?"wika sa'kin ni Sir Pelaez nang makalapit ako sa desk nila.

Umiling naman ako."Wala pa po",sagot ko.

"Inutusan ko kasi si Mr. Bautista kumuha ng mga ingredients para sa menudo , pansit at lumpia e hanggang ngayon hindi pa bumabalik baka pwedeng pakipuntahan mo na nga para madala na rin dito dahil kailangan na",utos nito sa'kin.

"Sige po",sabi ko at agad na nagtungo sa may pintong tinuro niya doon sa may bandang likod ng campsite.

Inisip ko kung sinong Bautista ba ang tinutukoy ni Sir , marami kasi kaming kasama dito sa camping malay ko ba kung may ka-apelyido si Shin dito mahirap umasa 'no.Pero hindi rin imposible na siya itong nautusan kumuha dahil hindi ko pa siya nakikita mula kanina ,tinignan ko naman sa tent nila pero wala na silang lahat do'n.

Pinihit ko ang doorknob at wala akong naabutan na kahit sino.Lumakad ako palibot at muntik na akong mapaupo dahil sa gulat nang may magsalita mula sa likuran ko.

"Hey , what are you doing here? May pinakuha din ba sa'yo?"

"Shin! Haay ikaw talaga lagi mo akong ginugulat,"sabi ko sa kaniya at lumapit sa kinatatayuan niya.

"Sorry",sambit niya at ibinaba ang basket na bitbit niya sa may mahabang table.

"Hay , sige na nga",sabi ko."Inutusan ako ni Sir Pelaez na puntahan ka para tulungan magkuha ng ingredients baka raw kasi natabunan ka na ng mga sahog dito—Charot lang , hahaha!"kinuha ko ang basket at tinignan ang laman nito."Ok na ba 'to?"

"May mga kulang pa , hindi ako marunong pumili ng magandang gulay.I don't know how to see if it's good or not",paliwanag niya kaya naman tinungo ko na ang pantry para kunin ang mga kulang pang sahog para madala na rin doon.Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na hindi don't just the veggies by its cover kaya lang I change my mind kasi baka mapikon na naman , kaming dalawa lang dito kaya malaya niyang maihahampas ang basket sa'kin 'pag nainis siya.And then haha naalala ko , ang violent ng thoughts ko masyadong mabait si Shin at never niyang gagawin 'yan lalo na sa'kin.At bakit naman? Ano bang meron sa'kin? Special yarn? special child 'chos!

Matapos lamang ang ilang minuto ay nakakuha na'ko ng mga kulang at kinakailangan.Bihasa na kasi ako sa ganito e ,laking probinsiya yata 'to huh!

"Oh ayan tapos na , halika na kailangan na 'yan do'n e",sabi ko at nauna nang lumabas.

Siya na ang nagbuhat ng basket dahil may kabigatan 'yon, sumunod lang siya sa'kin maglakad.

"Hey ,wait for me",sabi niya dahil napabilis yata ang lakad ko hehe sorry naman.


Naisip ko na mag-sorry sa kaniya sa ginawa namin kahapon kaya lang nang ma-imagine ko ulit ang mukha niya habang nakiki-usap na ibalik n'ong bata sa kaniya yung keychain niya ay hindi ko maiwasang matawa.Na-g-guilty tuloy ako , kasi alam ko naman na sentimental lang talaga yung keychain na 'yon sa kaniya kaya lahat ay gagawin niya 'wag lang mawala sa kaniya 'yun.Ina-admire ko na tuloy lalo siya dahil do'n , marunong kasi siyang magpahalaga ng mga regalo or bigay ng isang tao sa kaniya lalo na kung importante regardless kung ano pa'ng gamit 'yon.

Smithereens (GBF×BBF) [under Editing]Where stories live. Discover now