Chapter 7 : NEW FRIEND

4 2 0
                                    

ELVIE


Bahala na si Lord sa akin.Basta go with the flow na lang gano'n.Sana ay gumawa na siya ng way para magkita kami , hindi ko rin kasi masyadong matutukan dahil nagiging busy na rin ako sa schoolworks.

Ang alam ko ay student librarian siya dito sa school kaya malamang ay lagi 'yon nando'n.Hindi ko talata siya masasalubong dito sa campus dahil mailap ang taong 'yon.

Nasaan na kaya yun? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita e.Puro pagmumukha ni Joaquin ang nakikita ko tuwing lunch break tss.Anyway ok lang 'yon sa'kin , ang cute cute ng lalaking 'yon kahit na palagi niya akong inaasar pasalamat siya at mabait ako.



"VIENXIE!" Dinig kong tawag sa'kin ni Joaquin.Alam kong siya 'yan kahit hindi ako lumingon dahil siya lang naman ang tumatawag sa'kin sa second name ko.Pauso amp!

"Uy!uy! Tinatawag kita ayaw mo'ko lingunin,"Hinihingal na wika nito nang mahawakan ang balikat ko.

Nagpatuloy pa rin ako sa paglakad at hindi siya pinansin, aasarin na naman ako niyan e.Hays baka ma-late pa ako sa next subject ko kapag pinatulan ko siya.

"Uy! Vienxie naman e galit ka ba sa'kin dahil hindi kita binigyan ng sisig kahapon?" Nagpapaawang sabi nito.Hindi ko maiwasang mapa-make face sa pinagsasabi niya.Hindi naman ako nanghingi sa kanya kahapon ah! Nakatingin lang ako kasi mukhang masarap psh!

"Aray!bakit ka naman nambabatok!" Maktol niya nang batukan ko siya.Huh! Buti nga sa kan'ya 'yan.

Hinarap ko siya at tumigil sandali,"E bakit ka ba kasi sunod ng sunod? ang ingay-ingay mo ,pinagkasigawan mo pa ang pangalan ko dito sa buong hallway," Inis na sabi ko.

"Sorry na ,ikaw kasi e ayaw mo naman ako pansinin kanina pa kita tinatawag at saka isa pa maganda naman ang second name mo ah unique hehe."

"Ah gano'n?" Sabi ko at nagpameywang."Edi simula ngayon tawag ko sa'yo Wacky na lang kasi lagi kang nakangiti parang wala ng bukas." Pang-iinis ko ngunit imbis na mainis ay ngumiti pa siya lalo at umastang parang kinikilig.

"Ehhh kese nemen eh hehe wait lang kinikilig ako! "Ok ang cute niya magpabebe daig pa ako."ang sweet mo talaga , napaka cute mo hihi.Oo naman payag ako Wacky tawag mo sa'kin ,payag na payag!"sabi nito."Pero ito nga kasi may itatanong nga ako sa'yo."

"Tss..E bakit nga kasi? Bilisan mo na may klase pa kasi ako." Nagpapacute na kasi siya kaya hindi ko matiis hehe secret lang natin yun.

"Diba may libro ka ng The lovely bones? Nabanggit mo'yon no'ng nakaraan,"Wika niya

Tumango ako "Ano naman kung mayroon nga ako?Manghihiram ka?"sabi ko naman.

Sa totoo lang hangga't maaari ay ayaw kong ipahiram yun dahil napakaimportante sa'kin ng libro na 'yon.Pinag-ipunan ko talaga para makabili ako ng copy no'n ,limited edition lang kasi siya sa piling bookstore sa Pilipinas.At bakit ko nga ba pilit binili 'yon kahit mahal? Kasi iyon ang favorite na libro ng bbf ko sa Rpw, nabanggit niya na wala na raw siyang mahanap na gano'n ngayon at kung mayro'n man ay napakamahal naman.Pag-iipunan niya pa raw para makabili siya.Kaya ayon naisip ko na iyon na lang ang iregalo sa birthday niya kaya lang ay hindi na umabot at mas lalong hindi ko na siya nakausap pa.Ni hindi ko man lang nga siya nakita.Gusto ko pa naman makipag-meet up sa kanya para personal na ibigay 'yon sa kanya.Dahil do'n tinabi ko na lang , naisip ko baka isang araw ay makita ko siya e di may chance na ako para maibigay yun sa kanya diba.Kaya dinala ko rin hanggang dito sa Maynila.

Izzaprank lang pala 'yong sinabi kong mag-mo-move on na'ko hehe 😃


"Hindi ako , yung kaibigan namin.Naalala mo'yon si Shin?Yung student librarian dito sa school,"sabi niya.

Smithereens (GBF×BBF) [under Editing]Where stories live. Discover now