Chapter 10 : MAP

5 3 0
                                    

ELVIE

Yey! Friday na-oh no I forgot hindi na pala ako highschool.May pasok pala kami until Saturday huhuness.Napabuntong-hininga ako at napatalukbong ng kumot.Tinatamad pa ako bumangon, ewan ko ba no'ng isang araw ganado ako tapos ngayon tinatamad naman ako.Napaka -inconsistent talaga ng kasipagan ko e.

"Aray ko naman!"reklamo ko nang may bumato ng unan sa'kin."Sino ba'yo-uy insan hehe ikaw pala,"sabi ko sabay kamot ng ulo.Natayo siya sa may pinto at nakapamaywang pa.

"Ano?wala kang balak bumangon?Anong oras na oh",sambit nito.

Padabog akong bumangon."Oo na! Babangon na!" asik ko at saka kinuha ang damit at tuwalya para maligo.

Pagdaan ko sa may pintuan ay sinadya ko siyang banggain.Wala lang ,trip ko lang hehe.Mabuti at hindi niya ako pinansin at bumaba na lang at sinabing bilisan ko at hihintayin nila ako sa baba.

Tinatamad talaga ako today at hindi ko alam kung bakit.Siguro ito rin ang isa sa mga epekto ng mawalan ng mahal sa buhay? Hindi ko rin masabi , unti-unti ko nang tinatanggap ang pagkamatay ni lolo.Pagkatapos ng malalang iyakan noong nagdaang gabi sa tingin ko ayos naman na ako.

Habang inaayos ang gamit ko bigla akong may naalala.Alam ko na kung bakit tinatamad ako today, may long quiz pala kami sa tatlong subject namin.Huhuness hindi ako masyadong nakapag-review dahil kung anu-anong naiisip ko.

Dahil naalala ko na ang agenda for today bumaba akong nakabusangot, napansin agad n'yon ni 'insan.

"Ano ba'yan ang aga-aga hindi maipinta 'yang mukha mo",puna niya.

Napairap ako."Sino ba nagsabing ipinta mo ang mukha ko?"pagsusungit na sabi ko.

Lumapit naman sa'kin si Raine at inakbayan ako."Uy be , alam ko naman nagluluksa ka pa rin sa pagkawala ng lolo n'yo pero kailangan mo mag-move on.Lahat ng tao mamamatay talaga kaya dapat life goes on lang ganern.Masaya naman na ang lolo mo sa heaven sure ako",wika niya.

Ang dami n'yang sinabi e hindi naman 'yon ang dahilan kung bakit ako nakasimangot hmp!

Hindi na lang ako nagsalita para kunwari ay cold person ako hehe charot! Ayun nga nauna na'ko lumabas at doon na naghintay.Kaya lang paglabas ko ay bumungad agad ang pagmumukha ni Wacky.

"Nandito ka na naman?"pagsusungit ko.

'wag mo sabihing sasabay na naman sila sa pagpasok sa'min? Tch!

"Oo baka na-miss mo 'ko e HAHAHA!"

"Kapal mo!"

"Sus' in denial ka pa e halata naman na may gusto ka sa'kin."

Dahil sa sinabi niya ay nabatukan ko siya ,"Napakakapal naman ng face mo para sabihin mo 'yan , mahiya ka nga ! Assumerong 'to!"

Imbis na magalit ay lalo pa siyang natuwa.Hays malakas na talaga ang saltik nitong taong 'to.

Mabuti na lang at lumabas na din sila Raine at Billy.Agad na lumapit si Riki kay Raine para kunin ang bag niya.Napaismid tuloy ako haha bitter yarn?

"gusto mo bitbitin ko rin bag mo?"biglang sulpot ni Wacky sa tabi ko.

"Kaya kong bitbitin ang bag ko",sagot ko.

"Edi don't", sambit niya at saka nag-pout.Oo na ang cute niya hehe pero bahala siya diyan.Di ako marupok hehe char!

Hanggang makarating kami ng school ay wala pa rin kaming tigil ni Wacky sa pag-aasaran.Wala e happy ang lola nyo haha!

Natigil lang kami no'ng makarating kami sa loob ng campus at makita sila Febby at Stella.

Smithereens (GBF×BBF) [under Editing]Where stories live. Discover now