Chapter 21 : SARAH

7 3 0
                                    

ELVIE


"Uy ,be' bakit namumugto yang mata mo?saan ka ba nanggaling kahapon?Hindi ka raw pumasok sa afternoon classes mo,"dinig kong tanong ni Raine pero hindi ko siya pinansin at nagtuloy lang sa pagkain.

"May nangyari ba na hindi namin alam?"dagdag pang tanong ni Billy ngunit nanatili lang akong tahimik at nagkunwaring hindi ko sila naririnig.

Tumayo ako at niligpit ang pinagkainan ko saka uminom ng tubig."Tapos na'ko , maliligo na'ko ah kayo na bahala maghugas ,thank you,"sabi ko at nilayasan na sila.

Wala ako sa mood.As in wala talaga.Matapos ng nangyari kahapon? Naubos lahat ng energy ko sa katawan, nawalan ako ng gana bigla.Ewan ko ba , sinigurado naman ni Shin na okay kami bago kami naghiwalay ng landas kahapon pero hindi ko pa rin maiwasang madismaya.Pero kasalanan ko naman e , kung hindi ako nag-assume hindi ako masasaktan ng ganito.Buong akala ko okay na'ko , kasi matagal na.Akala ko handa na'kong banggitin ang tungkol do'n at hanapin ang sagot sa tanong ko pero hindi pala , nabuksan lang ulit ang sugat na matagal ko ring binalot at pansamantalang isinantabi.Hay dapat pala um-attend na lang ako ng klase kahapon.


**********

"An'yare kay Elvie?"

"Ewan ko"

"Kanina pa'yan ganiyan , walang kibo at parang malalim ang iniisip.Nag-aalala na'ko sa pinsan ko bakla."

"Ako rin kinakabahan ako ,hindi ako sanay na tahimik siya."

"Kausapin niyo kaya"

"Hindi nga namamansin e , kanina pa namin kinakausap sa boarding house pa lang pero waley."

"Try niyo ngayon , ask her what happened."

"E ba't di ikaw ?"

"You should be the one who do it , you're cousins right?"

"Ikaw na "

"Ikaw na kasi"

Para silang mga ewan,akala ba nila bingi ako?Naririnig ko kaya sila ,ang lalakas ng mga boses nila kala mo ba'ng nakalunok ng mega phone.Nasa iisang table lang naman kami.

"Hey guys! What's up?"natigil sila sa paghihilian nang dumating si Wacky,full energy ang loko as usual sana all.

Hinila nila si Wacky at lumayo sakin nang bahagya at saka nagbulungan kunwari.

"Anong balita mga marites?"

"Baliw hindi!"

"Ano ba kasi 'yun?"

"Si Elvie kasi—"

"Oh anong meron kay Vienxie?"

"Sandali kasi heto na nga , simula kasi no'ng umuwi kami kahapon galing ng school ganiyan na siya ,hindi na makausap at walang kibo tapos parang ang lalim ng iniisip.Nag-aalala na kami sa kaniya."

Nahuli ko naman na lumingom sa'kin si Wacky na agad din namang umiwas ng tingin.

Hindi ko na narinig pa ang mga pinagbulungan nila dahil mas hininaan na nila ang boses nila, sayang naman hindi ko malalaman ang thoughts nila sa pa-cold person attitude ko today haha charot lang , hindi ko naman ginustong maging ganito ngayon talagang hindi ko lang talaga kayang mag-open up sa kanila.Ina-absorb ko pa rin ang katotohanang sumampal sa'kin kahapon lang.Masakit , parang sampal ng elephant.

Pumasok kami ng afternoon classes , kasama ko si Stella at alam kong nagdadalawang isip siya kung kakausapin niya ba'ko o hindi.Kaya naisip ko na i-approach na siya , wala naman siyang kinalaman sa drama ko ngayon e hindi niya deserve ng cold treatment mula sa pretty na gaya ko.

Smithereens (GBF×BBF) [under Editing]Where stories live. Discover now