Chapter 13 : WEIRD PEOPLE

8 3 0
                                    

ELVIE


Paghahanap ng mga punongkahoy ,mga bunga ng puno at iba pang mga p'wedeng magamit ang unang pinagawa sa'min.Hindi lang 'yon dahil sa bawat destination ay may kailangan din kaming hanapin na flags na nakasabit sa puno at kailangan lang naman namin akyatin 'yon.Hinati kami sa grupo.Bawat grupo ay may tatlong miyembro.Sa kabutihang palad ka-grupo ko si Julie at si Bryan na kaklase rin namin.Sayang nga dahil ko naka-grupo sila 'insan e , ibang course kasi sila.Alam ko naman na bad ang mainggit sa blessing ng iba pero 'day , paano ba naman hindi ako maiinggit e magka-grupo sila Raine at Shin kasama ng isa pa nilang kaklase na babae.Hay sana all.Sana maisipan ni Raine na tanungin ng kung ano 'yang si Shin baka sakali ay may malaman pa kami tungkol sa kaniya.

Sobrang interesado talaga akong malaman kung sino siya at kung ano'ng background niya.Mailap kasi siya e , kahit kaibigan niya ay hindi alam ang mga ginagawa niya kapag wala siya although mabait naman siya at approachable ,malayo sa sinasabi nilang cold hearted person.

Dean Ryushin Bautista.Matangkad , moreno ang balat , mapungay ang matang natatakpan ng makapal na salamin , mapula at manipis ang hugis pusong labi , payat ,matangos ang ilong at mabango.May earpierce din siya right side ng tainga niya , hindi naman 'yon halata pero napansin ko pa rin kakatitig ko sa kaniya madalas.Oo na , attracted ako sa kaniya at dahil 'yon sa pangalan niya.

Ang rupok mo talaga pagdating kay Dean self

Ang hirap maging marupok pero mas mahirap magpigil ng damdamin.Maghihilom din ako , not now but very soon.Ramdam ko malapit na wait ka lang self.


"Arghh! Aray!" daing ko nang matisod ako sa kahoy na nakaharang sa daan.Ang shunga ko dahil hindi ko napansin."Julie! Wait lang!"tawag ko sa kanila ni Bryan , hindi kasi nila namalayan ang paghinto ko dahil nauuna silang maglakad sa'kin.

"Julie wait lang! Hintayin n'yo 'ko!" tawag kong muli habang sinusubukang tumayo pero natumba lang ako ulit dahil sa sakit ng paa ko.

Hindi ko alam kung hindi nila ako narinig o sadyang hindi nila ako pinansin , kasi nakita ko...lumingon si Julie.Ayokong mag-isip ng iba , baka hindi niya lang ako narinig at nakita dahil medyo malayo na rin ang distansya ko sa kanila.

Medyo dumidilim na rin dahil pasado alas-singko na ng hapon kaya pinilit ko na lang tumayo ulit at naghanap ako ng stick na pwedeng kong magamit sa paglakad.Nakabalik na rin siguro ang ibang grupo sa camp site.

Pangalawang beses ko na mapilayan ng paa , baka sa susunod ay maputulan na ako ng paa ay jusmiyo 'wag naman po sana.Ayokong matulad kay Ara.Teka?Sino ba si Ara? Tauhan pala 'yon sa wattpad story na nabasa ko hehe.Hay kung anu-ano na naman ang naiisip ko.

Mabuti at alam ko ang daan pabalik dahil kung hindi ay baka naglumpasay na lang ako sa takot do'n.Maraming maraming snakeu doon , ayoko matuklaw at mamatay ng maaga.

Malapit na 'ko sa campsite ,isang liko na lang madali naman akong nakapaglakad kahit nahihirapan dahil na kila Julie ang mga kahoy at bunga na kinolekta namin kanina.'Yung flag lang ang nasa akin.

Pagliko ko sakto naman ay may nabangga akong bulto ng tao.

"Waaaaahhhhhhh!"

"Woah!"

Sigaw naming pareho.Sa sobrang gulat ko ay na-out of balance ako mabuti at agad niya akong nahawakan sa beywang.Kaya lang...naglapit ang mga mukha namin kaya nanlaki talaga nang bongga ang mata ko nang makilala kung sino 'tong lalaking 'to.

"S-shin?" Usal ko.Huhuness hindi pa ako nakapag-toothbrush sana ay hindi niya maamoy 'yung saging na kinain ko kanina.

Nakatitig lang siya sa pretty kong face iniimagine na magkasama kami sa paradise at nagsasayaw haha charot!

Smithereens (GBF×BBF) [under Editing]Where stories live. Discover now