CHAPTER 5 : A guy named Dean Ryushin

10 3 0
                                    

ELVIE

"So ano na ngang balak mo? Paano kung siya nga 'yon?",tanong sa akin ni Raine.

"Malay ko , may dapat ba akong gawin? E hindi naman tayo sure kung siya nga iyan",sabi ko naman.

Nakasakay kami sa bus papasok ng school.Pangatlong araw na ng school at naging normal naman ang araw ko kahapon.Hindi ko nga lang alam ngayon.Kahit pa hindi na masyadong nabanggit ulit itong classmate ni Raine ay hindi ko pa din maiwasang isipin.Kaya heto kami ngayon at nagtatanungan kung ano bang dapat gawin.

May dapat nga ba akong gawin?

"There's only one way to find out",Biglang sambit naman nito.Mabuti at malayo sa amin si Billy ng upuan dahil kung hindi ay mapapagalitan na naman ako n'yon.

Gusto niyang mag move on na lang ako at kalimutan na ang tungkol sa kanya , at hayaan na namin iyong kaklase ni Raine dahil wala naman daw mangyayari kahit malaman pa namin ang totoo.

"Paano naman?" Tanong ko.

"Ano pa? E di kaibiganin natin siya , in that way malalaman natin ang background niya diba? But for now ako na lang muna ang makikipag close sa kanya since magkaklase naman kami.Ano G ka ba?" Excited na paliwanag niya.

"Ano? Paano 'pag hindi siya?" Alalang tanong ko.

"Eh di move on na talaga.Easy.Alam mo kasi Elvie....hindi ka makakausad kung paulit-ulit mong babalikan ang nakaraan.I know mahirap 'yun para sa'yo kasi wala naman kayong proper closure ng bbf mo kaya nga I suggested na alamin natin kung siya at itong new classmate ko ay iisa para magkausap na kayo at makapag-explain siya sa'yo, and he also needs to apologize from what he did to you.Kahit pa internet lang 'yan , it still caused you a trauma.Nasaktan ka pa rin.Wala namang masama kung aalamin natin e , e di kung hindi siya ok lang.Kung siya nga 'yon edi better kasi finally magkakausap na kayo diba?He looks nice naman kaya I think hindi ako mahihirapan i-approach siya."

"Hmm ,sige tama ka rin naman kailangan ko na makapag-move on at para magawa ko iyon kailangan ko ng sagot sa tanong.Sana nga mag work out ang plano mo."


Noong una ko pa lang makilala si Dean , nandyan na si Raine.Palagi ko siyang kinukwento sa kanya ,lahat ng convo namin ay i-sini-share ko sa kanya.Kasi siya ang most trusted friend ko bukod sa pinsan ko.Kaya naman alam niya lahat ng pinagdaanan ko matapos ng pang-iiwan sa akin ng lalaking iyon.Nakakadala naman talaga , minsan ka na lang magkagusto sa internet pa at sa rpw pa oh diba , sino ang shunga? Si Elvie 'yon.

Magiging effective naman kaya ang plano? Hay bahala na.Dibale magaling naman sa mga ganito si Raine ,may tiwala ako sa kanya at alam kong magagawa namin ito sana lang ay hindi ito malaman ni Insan kasi panigurado ay katakot-takot na sermon ang matatanggap ko sa isang iyon.Ang malala ay baka isumbong pa'ko kila mama ay naku nalintek lang talaga.Mag-aaral pa rin naman ako nang mabuti kahit pa may mission kami ni Raine HEHEZ.

******

"UYY! Tulaley ka d'yan girl,ano?iwan kana dito sa room?" Nagulat ako at muntik na malaglag sa armchair.

"Ano ba'yun! Ba't ka naman nanggugulat Julie!" Singhal ko ngunit natawa pa siya.Hayss akala ko mahinhin siya at mahiyain ay jusmiyo napakahilig pala mang gulat at mang asar.

"Eh kasi naman kanina pa kita tinatawag dahil class dismissed na e hindi mo naman ako nadidinig.Ang lalim ng iniisip mo.Tungkol ba 'yan dun sa sinasabi n'yo na Dean?"

"Ano? Hindi ah! Ay nako ,halika na nga baka hinihintay na tayo nila Febby at Stella sa cafeteria." Sabi ko at tinangay na ang bag ko at hinatak siya palabas ng room.Kami na lang pala ang naiwan doon.Gano'n ba ako ka wala sa sarili? Hindi ko nga rin naintindihan ang lesson kanina e Hayss.

Smithereens (GBF×BBF) [under Editing]Where stories live. Discover now