CHAPTER 4: FIRST DAY

6 3 0
                                    

ELVIE

Kyaahhhh! First day of school na at sobrang kabado si ako huhu (T_T).Pero sino ba naman kasing probinsyana ang hindi kakabahan sa pagpasok sa isa sa pinaka prestigious school sa Maynila diba? Well I admit na yung iba siguro? Argh! Ewan! Basta kinakabahan ako and I know it's very normal huh! Ano ba'yan panay english ko na HHAHAH pina-practice ko kasi ang aking english speaking dahil balita ko kay Raine ay maraming foreigners na estudyante do'n.

Maaga akong gumising-hindi talaga ako nakatulog dahil sa sobrang pagka-excite at kaba sa unang pagpasok ko.Hindi pa rin ako makapaniwala , college na'ko at alam ko na dito na rin magsisimula ang tunay na paglalakbay ko patungo sa pangarap ko.Omg ang lalim no'n ah HAHAHA!

"Uy Elvie ang aga mo naman gumising mamaya pa naman 8 ang pasok natin ah,"wika sa'kin ni Raine pagbaba ko ng hagdan naabutan kong nagpipindot sa laptop niya habang prenteng nakaupo sa sofa.Napakunot noo ako. "Teka ,anong oras na ba?" Sabi ko at tumingin sa orasan at nanlaki ang mata ko nang malaman kung anong oras pa lang.

"Oo beh , alas four palang ng madaling araw ,mas'yado kang excited ha," Pabirong sabi nito sa'kin.

Napasimangot ako at nagbuntong-hininga."Sige balik na lang muna ako sa kwarto , d'yan kana,"sabi ko at bumalik na nga sa kwarto ko.Hindi ko na tinanong kung anong ginagawa niya doon sa ganitong oras.

Dahil hindi na talaga ako makatulog ay inayos ko na lang ang mga gamit ko , actually kahapon pa'to lahat nakaayos kaya lang maano talaga ako kaya 'ayan HAHAHA ayusin ulit malay mo naman diba baka may kulang pa ,ayoko naman ma-hassle pagpasok dahil may nakalimutan ako diba.

Habang sinisipat ang bag ko ay napansin ko ang keychain nito , si Dora.Napailing na lang ako , bakit ba hindi pa din ako maka-move-on? Ah siguro kasi hindi pa nasasagot ang mga katanungan ko tungkol sa kanya kaya gano'n.Pero ang tagal na rin kasi.Naging parte na kasi siya ng buhay ko e kaya mahihirapan talaga ako ng bongga.Hay ewan!

Umidlip na lang muna ako dahil wala na akong magawa tapos paggising ko ay 7 am na kaya bumangon na ako at naligo.Paglabas ko ay naabutan ko silang kumakain ng agahan.

"Gising ka na pala , halika kain na," aya ni 'insan sa akin.Naupo naman ako sa tabi niya.

Habang kumakain ay pinag-usapan na namin kung anu-anong gagawin namin mamaya sa school o 'yun bang mga schedules namin kung kailan magkikita at kung saan ang meeting place.S'yempre may kanya-kanya kaming klase kaya sure ako na mahihiwalay at mahihiwalay ako sa kanila.

"Magco-commute ka rin ba Raine? Diba may driver ka?"tanong ko.Oo sa sobrang yaman ni Raine ay may ini-hire ang daddy niya para lang may maghatid sa kanya sa school kahit pa nagbo-bording house na siya.Sana alls (T0T)

"Hindi na ,sasabay na lang ako sa inyo,"sagot nito at saka tumayo na at kinuha ang bag sa tabi."Tara na ,baka malate tayo traffic pa naman 'pag ganitong Monday,"sabi pa niya kaya tumayo na din kami at binitbit ang kanya-kanya naming gamit at lumabas na.

Nagpaalam muna kami kay Manang bago kami tuluyang umalis.


************

"Hayyy sa wakas nakarating din! Grabe nangawit ako don ah,"sabi ni Raine pagkababa namin ng bus.Siksikan kasi at nakatayo lang kami buong biyahe.

"Sabi sa'yo e dapat nagpahatid ka na lang sa driver mo ayan tuloy,"sabi ko na agad naman nyang tinutulan.

"Hindi ok lang yun , gusto ko rin kayo makasama at saka gusto ko rin makaranas na magcommute ,simula kasi bata ako ay palagi akong hinahatid ni Daddy sa school," sagot niya.Hinayaan na namin siya sa gusto niya ,wala naman kaming magagawa do'n e.

Smithereens (GBF×BBF) [under Editing]Where stories live. Discover now