Chapter 12 : CAMP HORIZONS

8 3 0
                                    

ELVIE

Nakailang taktak na'ko ng maliit na cabinet ko pero wala pa rin akong napipili na isusuot sa camping namin na aabutin ng dalawang araw.Nalaman namin na sa ibang lugar pala 'yon gaganapin at talagang may mga recreational activities talagang gagawin kapag nado'n na.Dahil napagkasunduan na naming pare-pareho na sasama kami ni 'insan ay no choice na kami.Ayaw ko naman na pati kami ay magkatampuhan.

Speaking of tampuhan ay hindi ko alam kung ok na ba sila Riki at Shin.Naging busy na kasi sila 'insan nitong mga nagdaang araw kaya hindi ko rin sila nakikita.Madalas ay nag-s-solo flight ako sa pagpasok ko sa mga klase.Noong first week lang kasi t-in-ake ang subject na magkaklase kami e kaya 'yon si Julie na lang talaga ang kasama ko lagi.At iyon nga , ilang araw na ring absent si Julie.Hindi rin kasi siya pumasok no'ng Saturday.Gusto ko sanang itanong sa mommy niyang professor kaya lang ay baka hindi pa ako nakapagsalita e nahimlay na ako sa kaba.

Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit iniba nila ang schedule.In-adjust kasi nila ang campaign para sa elections at napagdesisyunang unahin ang camping.

Monday to Tuesday ang camping na gaganapin sa Laguna.Sa Wednesday naman ang official foundation day kung saan magkakaroon ng mga bisita sa school at papayagan din ang mga outsiders na pumasok.Sa Thursday at friday naman ang campaign at sa araw ng Sabado na ang mismong election.Oh diba bongga , super busy talaga ang week na'to sa mga taga-Horizons University Freshmen.Pero alam n'yo ba? S'yempre hindi haha ! So 'yun nga kahit busy kami ay thankful pa rin ako dahil kahit paano ay magkakaroon kami ng break sa pag-aaral.Nakaka-stress din kaya sa acads.


"Keri pa ba 'yan be'?Kulang na lang itaob mo 'yang cabinet mo e",puna ni Raine.

Napaismid lang ako at nagpatuloy kakahanap ,kahit ang totoo wala naman talaga akong mahanap.

"Wala akong maisip na dadalhin",pagsuko ko.

Natawa siya ng mahina."Okay lang 'yan , sana sinabi mo agad para nabigyan kita.At saka isa pa , good for two days lang naman ang kailangan mong dalhin girl",sabi niya.


Maya-maya lang ay bumukas ang pinto , inuluwa n'yon si Billy.

"Di ka pa tapos d'yan?" tanong niya.

"Heto na patapos na",sabi ko kahit hindi pa talaga.

"Bilisan mo ,may naghahanap sa'yo sa baba,"sambit niya kaya nangunot ang noo ko.

"Sino naman?"tanong ni Raine.

"Sino pa ba e'di yung jowabels mo at 'yong abnormal na si Wacky",sagot nito.

"Sila na naman?"reklamo ko.E paano ba naman kasi tuwing umaga nandito 'yang mga 'yan.Kahapon nga wala namang pasok pero nandito rin sila.Ginawa na nilang tambayan itong boarding house ni Manang Fe.Pati sila Mark na roommates ni 'insan ay tropa na nila.

"Hoy Raine ,umamin ka nga kayo na ba ni Riki?"baling ko kay Raine.

Nagkamot siya ng ulo at nginitian ako ng malaki,"Oo be' hehe", wika niya.

Ay sana all , anyway masaya naman ako for them.Basta happy ang bestie ko ,happy na rin ako.

Napabuntong-hininga na lang ako at pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko."Sige na , sabihin mo susunod ako wait lang",sabi ko.

Naiwan akong mag-isa dito sa kwarto dahil bumaba na rin si Raine.Wala naman dito yung tatlong roommates namin dahil mga nagsipasok na ng maaga.Monday pa naman ngayon ,traffic.Naisip ko kung anong oras kaya kami makakarating do'n kung mamayang 12 noon pa ang alis namin.Sa school magkikita-kita ang mga kasama sa camping , nandoon 'yung mga reserved na bus kung saan kami sasakay.Hindi ko makakasama sa iisang bus sila 'insan dahil by department ang laman ng bawat bus.Sinubukan kong i-chat si Julie pero hindi naman ako ni-seen.Hindi rin naman siya online.Pero ang alam ko ay kasama sa camping ang mommy niyang si Mrs. Samson kaya sana pati siya kasama.Pagdating sa camp site saka lang ako makakadikit kila 'insan.

Smithereens (GBF×BBF) [under Editing]Where stories live. Discover now