Chapter 11 : HANG OUT

8 3 0
                                    

ELVIE

Abnormal si Wacky.'Yan lang ang masasabi ko sa ngayon.Kumakanta ba naman ng I'm the Map habang naglalakad kami palabas ng campus.

"Wooohooo!!! I'm the map ! I'm the map!~"

"Yah! Can you please shut your fucking mouth Joaquin! Nakakahiya ka!"

"He's insane"

"Shutangines patigilin n'yo na nga 'yan"

"Guard may baliw po dito"

Kanina pa 'yan e , lahat ng theme song sa Dora the explorer kinanta niya na.Wala e masaya siyang asarin ako.Nagpalit na nga ko ng phone case hindi pa rin siya nagtigil.Ang lakas ng sapak sa ulo.Sayang kapogian niya huhuness.

"Oy Wacky magtigil kana nga!pinagtitinginan na tayo ng mga estudyante , di ka ba nahihiya jusmiyo ka!"pagsasaway ko sa kaniya sabay hablot sa bag niya dahilan para mapalapit siya sa'kin.

Tumigil naman siya pero ngumiti na naman ng nakakaloko at saka ako inakbayan ,sabay kaming naglakad habang naka-akbay siya sa'kin.

"Ikaw ah , di mo naman sinabi na gusto mo'ko kasabay maglakad.Hindi mo naman na ako kailangan hilahin palapit kasi ako na ang lalapit sa'yo hihi",parang pwet na kinikilig na sambit niya.

Nahampas ko tuloy sa braso,"kapal ng face mo! Ikaw kasi ang ingay-ingay mo, nakakain ka ba ng pwet ng manok!" singhal ko sa kaniya.

"Hindi , gwapo lang talaga ako", sagot niya.

Nagpupumiglas ako sa pagkaka-akbay niya pero ang laki ng muscles niya sa braso huhuness.Ginawa akong palaman.Pero infairness ang bango talaga ni Wacky hehe.

"Ehem....ehem..." Ani 'insan , dahilan para mahinto kami ni Wacky.Nand'yan pala sila hehe nakalimutan ko.

"May sarili kayong mundo ah sana all ",sambit ni Riki.

"Oo nga , kayo lang nagkakasiyahan diyan ,how about us naman?"maarteng sabi ni Febby.

"Nag-aasaran kayo baka bukas magjowa na kayo HAHAHAHA! CHAROT LANG! Oh Billy kalma ka lang ",biro naman ni Raine.

Natawa na lang ako sa kanila."Ikaw kasi e , halika na at tigilan mo na kaka-kanta mo ang sakit sa tenga",baling ko kay Wacky at hinila siya pahanay sa mga kasama namin.

Naisipan kasi namin na mag food-trip ngayong uwian kaya heto at magkakasama kami.Squad goals yarn?

Malapit na kami sa gate nang makita ko doon si Julie kasama ng mommy niya.Oo hindi namin siya kasama, kanina ko pa siya hindi nakikita at nakakausap e .Hindi ko alam kung ano ba'ng problema.Hindi naman kami magkagalit pero ayaw niya akong kausapin man lang.

"Julie!"tawag ko sa kaniya at kakaway sana ako pero hindi niya ako pinansin.Sinubukan kong lapitan siya pero umalis siya at naunang sumakay sa kotse nilang paalis na.

"An'yare do'n?" napansin pala ni Stella.

"Hindi ko alam e , kanina niya pa ako hindi pinapansin",sagot ko.

"Hayaan mo na baka may personal problem lang , lalapit din 'yan satin 'pag okay na siya.At saka isa pa , hindi siya pinapayagan ng mommy niya na maggala lalo kapag gabi kaya hindi rin siya makakasama sa'tin.Sa ngayon tara muna at mag-enjoy!" Wika ni Stella at saka ako hinila papunta sa kinaroroonan nila 'insan at ng iba pa naming kasama.Nauna na sila do'n sa may sakayan ,mga atat lumamon haha char!

Mag-f-food trip kami sa ngayon at libre nila Riki at Wacky lahat HAHAHA! well sila kasi ang rich human sa—I mean , kaming dalawa lang pala ni 'insan ang pooritabels sa aming grupo and the rest ay rich humans na.Sana all

Smithereens (GBF×BBF) [under Editing]Where stories live. Discover now