Chapter 25 : LOVE UNTOLD

17 2 0
                                    

ELVIE


Ilang araw ang lumipas simula nang mawala si Sarah , hindi na pumasok si Shin.Nag-alala tuloy ako para sa kaniya , baka mapabayaan niya ang pag-aaral niya.Bilang kaibigan ayaw ko namang bumagsak siya.

Kaya naman naisip kong tanungin sila Raine kung alam ba nila kung saan nakatira si Shin ngayon para madalaw.Hindi naman dapat dito matapos na lang ang lahat e.May mga aalis at aalis din talaga sa buhay natin , ang tanging magagawa lang natin ay mag-move on hindi ko naman sinasabing kalimutan natin sila, ang gusto ko lang sana ay magpatuloy pa rin siya sa buhay.

"Raine"

"Hmm?"

"Diba alam nia Riki kung saan nakatira si Shin?"tanong ko sa kaniya.

Sunday ngayon at walang pasok.Kagagaling lang namin sa pagsisimba , nandito kami ngayon at nakatambay sa may sala hinihintay na magtanghalian.

"Oo pero ang sabi ni Rikibabes sa'kin e hindi na raw doon nakatira si Shin , sa lola niya kasi 'yon so ayon lumipat na yata sa bahay ng mama niya",sagot nito habang nagpipindot ng cellphone.

"Ikaw 'insan baka alam mo",baling ko naman kay Billy na nagpipindot naman sa laptop.Hays sana all busy.

"Hindi e, tanong mo si Wacky baka alam niya",sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa'kin.

Napabuntong-hininga na lang ako , wala man lang akong makausap ng matino pareho silang busy ni Raine.Sana monday na agad para makita ko na sila Febby nang may makachikahan na'ko.

Naging okay naman ako matapos ang ilang araw na pagluluksa sa pagkawala ni Sarah , nagpaka-busy ako para hindi ko masyadong isipin na wala na siya at hindi na'ko maiyak pa.At saka isa pa ,tanggap ko na ang mga nangyari at ang lahat ng ito ay may rason.Hindi ko man 'yon matukoy sa ngayon alam ko darating ang araw na mapapagtanto ko kung bakit nangyari ang lahat ng ito sa'min.



********



"May balita ba kayo tungkol kay Shin?hindi ko na siya nakikita e, kahit sa library kapag nagpupunta ako do'n lagi siyang wala",kwento ko kila Stella.

"Hindi ko rin alam be' , hindi naman kami gano'n ka-close ni Shin.Kung may ka-close man siya sa'ting tatlo ikaw na 'yon , diba nga lagi kayong magkasama?no'ng birthday niya nga e sabay niyo pa kaming iniwan do'n sa picnic natin last week",sambit niya.

"Ano'ng sabi mo? birthday niya no'ng araw na'yon?"tanong ko at tumango naman ito.

Ang sakit namang birthday gift n'un para sa kaniya.Hindi ko man lang siya nabati ,hayst sunod-sunod din kasi ang mga pangyayari kaya hindi ko na namalayan kung anong araw na ba.Siguro talagang kailangan kong bumawi sa kaniya.

"Bakit ano'ng meron?"

Umiling naman ako ng ilang ulit."W-wala naman hehe natanong ko lang, hindi ko siya nabati sayang",sabi ko.

Hanggang ngayon kasi ay ako pa rin ang nag-iisang nakaka-alam ng tungkol kay Sarah.Kahit na nai-kwento ko naman na ang tungkol do'n kila 'insan e hindi ko naman sinabi sa kanila lahat ng pangyayari.Kahit sila Riki na matagal ng kaibigan ni Shin ay wala masyadong alam tungkol kay Sarah.

Ewan ko ba , hindi naman namin secret ang tungkol do'n pero pakiramdam ko ay hindi pwedeng ipagsabi sa iba.Ang weird diba?

"E' what about Joaquin?"pag-iiba ng usapan ni Febby.

"Ano'ng tungkol sa kaniya?"

Napairap ako , pa'no naman napunta sa mokong na 'yon ang usapan namin?

Smithereens (GBF×BBF) [under Editing]Where stories live. Discover now