Chapter 18 : MISIDENTITY

5 2 0
                                    

ELVIE

"I miss you ate Elise , pakikamusta na lang ako kila mama"

"Wow naman , ilang buwan ka pa lang dyan sa Maynila e nawala na agad ang accent mo na bisaya,"

"Weh? Haha , ewan ko ate di ko napansin.Hindi na rin kasi ako nagbibisaya , puro tagalog at ingles lang"

"Oo nga , hindi na halata sa iyong probinsyana ka , saya mo siguro d'yan ano? Sana all "

"Hehe , masaya naman ako ate super pero busy rin nakakapagod pero fighting lang"

"Sakto na, good luck sa pag-eskwela nimo dira, palangga ka namo pirme mi naga-support saimo ni Billy. oh ako nani patyon ang tawag kay naa pa koy buhatonon, bye miss na tika Elvie."

"Sige ,sige I miss you too ate , ingat kayo d'yan babye!"

Nami-miss ko na ang pamilya ko sa probinsiya, sana ay makauwi kami ni 'insan sa sembreak ,gusto ko silang makita ulit.Kamusta na kaya sila do'n?Alam ko ok sila pero ano na kaya ang mga naging ganap?ano kayang pinagbago, gano'n pa rin kaya?Kasi dito , ang daming nagbago.

Akalain mo nga naman , ilang buwan na ang lumipas.August na kaya next week ay exams na.For the review to the max ang person.Gusto kong makakuha ng mataas na grado gaya ni 'insan na ngayon ay SSG officer na , nanalo siya.Magandang simula 'yon para sa kaniya sa pag-aaral niya dito.Ako naman , ok na'ko kahit napansin kong medyo nagbago ako.Hindi na'ko gano'n ka-masayahin tulad ng unang pasok namin.

Ang dami kasing nangyari , siguro nga nag-ma-matured na 'ko kaya gano'n , hindi na puro kalokohan ang naiisip ko.Pero bakit gano'n? Si Wacky walang pinagbago , lumala pa nga yata.Hays , iba naman kasi 'yong sa kaniya , talagang abnormal na siya noon pa at wala nang gamot do'n haha charot lang, hindi kasi nagbago si Wacky e ,kung ano ang personality niya noong una ko siyang nakilala ay gano'n pa rin siya although minsan ay nagseseryoso siya sa mga sitwasyon na kailangan naman talaga magseryoso.

Isang buwan na rin halos ang lumipas no'ng magdrop out si Julie.Hindi na siya pinapasok dahil nag-undergo na siya ng psychotherapy.Kinausap muna namin siyang lahat na magkakaibigan bago siya umalis patungong Amerika para do'n magpagamot.Mabuti at nagka-ayos kami bago siya umalis ,at nagkalinawan rin.Kahit wala na siya dito ay pinagdarasal ko pa rin araw-araw na sana ay gumaling na siya agad para magkasama na ulit kami.Nami-miss ko na siya e , wala nang sumasalubong sa'kin sa gate , nabawasan na ang ka-chikahan ko sa classroom.Nand'yan pa naman sila Stella pero iba kasi talaga kapag kumpleto kayo.

August , ano ba'ng mayroon sa buwan na'to?kung tutuusin ay wala naman.Well, bukod sa ito ang birth month ng bbf ko sa rpw na si Dean ay wala nang iba pang dahilan kung bakit medyo dull ang pakiramdam ko.Naalala ko kasi no'n nag-countdown kami para sa birthday niya tapos pagpatak ng alas-dose ay ako ang unang bumati sa kaniya.Taon-taon ko pa rin 'yong ginagawa kahit wala na siya , kahit iniwan niya na'ko.Iniisip ko nga kung gano'n din ba ang ginagawa niya kapag birthday ko o kapag friendsarry namin.

'Yung akala mo okay na , kasi hindi mo na nararamdaman, kasi hindi mo na masyadong naiisip.Pero na-realize mo na hindi pa rin pala ,kasi naalala mo pa rin siya sa mga bagay na may kinalaman sa kaniya.Ang hirap talaga maiwan sa ere.Nakakalungkot , mukhang ganito ako buong buwan ah.P'we bang wake me up when August ends na lang? Hays...

"Elvie oh nandiyan na sila Riki at Joaquin kasama ang isa pa ninyong kaibigan,"sabi ni Manang Fe.

Tumayo naman ako para labasin ang mga taong 'yon.Inimbitahan kasi sila ni birthday girl na si Raine.

Palapit pa lang ako sa pinto para buksan 'yon pero dinig na dinig ko na ang lakas ng bunganga ni Wacky.

"Ingay naman,"sabi ko para maagaw ang pansin nilang nag-aasaran na naman.

Smithereens (GBF×BBF) [under Editing]Where stories live. Discover now