Chapter 17 : PROOFS

4 2 0
                                    

ELVIE

Sabi nila kapag nag-college ka raw mararanasan mo lahat ng klase ng aches, simula sa emotional, mental, physical at marami pang iba.Doon mo mahi-hit ang totoong meaning ng maturity kasi unti-unti ka nang pumapasok sa totoong mundo.

Habang tumatagal ang pag-s-stay ko dito sa Manila ,mas nagiging malalim na ang tingin ko sa mga bagay-bagay.Hindi pala talaga biro ang adulting.Akala ko acads lang ang po-problemahin ko pagdating dito e , hindi ko naisip na maraming pwedeng mangyari.Akala ko basta may bestie okay na.Nasanay kasi ako ng gano'n e , basta magkaibigan tayo period na 'yon , wala sa bokabularyo ko magkaroon ng enemies.Ni minsan hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa mga tao sa paligid ko kahit gaano pa nila ako nasaktan .Kasi kung ang Diyos nga ay napatawad ang tao sa kasalanan ng gano'n lang kadali ako pa kaya na tao lang din na makasalanan?Magtatampo siguro ako oo pero hindi kailanman ako magtatanim ng sama ng loob.

"Be' sorry kung hindi ko nasagot ang call mo , in game kasi sila Riki no'n e hindi ko napansin na tumawag ka ,sorry talaga."

"Sorry din 'insan , may campaign kasi kami no'n alam mo naman diba? Hindi ko mahawakan ang phone ko gano'n din sila Stella at Febby."

"Okay lang , alam ko naman na busy kayo naiintindihan ko naman," sagot ko sa kanila habang  prenteng nakaupo sa sofa habang nagta-type ng essay activity sa laptop ni Raine na hiniram ko.

"Sorry talaga be' hindi na mauulit , sorry na patawarin mo kami ni Billy," nagmamakaawang sabi ni Raine.

Dahil do'n ay binaling ko na ang tingin ko sa kanila parang ewan kasi ,hindi naman ako galit."Ano ba'ng pinagsasabi nyo? Sorry kayo ng sorry wala naman kayong kasalanan.Naiintindihan ko kayo ok?Kalimutan niyo na 'yon."

"Eh? Galit ka kaya," ani 'insan.

"Ano? Hindi 'no , may ginagawa kasi ako kaya di ko kayo makausap.Mamaya na lang tayo magchika-chika after nito okie?"sabi ko naman sabay balik ng tingin sa screen ng laptop.

Naupo si 'insan sa tabi ko at gayundin si Raine sa kabilang side."Last na , sorry talaga be'" habol pa niya ,hindi na'ko sumagot."Pero , kamusta na si Julie? Bakit daw ba siya biglang nag freak out?" tanong ni 'insan.

"Mamaya ko pa malalaman , kakausapin ko ang mommy niya."

"Si Mrs.  Samson?diba masungit 'yon?"

"Ano naman ngayon? Kailangan ko siya makausap tungkol sa kondisyon ng anak niya na kaibigan natin,"sagot ko habang tuloy pa rin sa lag-type sa laptop.Multi-tasker yarn haha.Level up na'ko e , hindi na'ko gano'n kabagal magtype sa keyboard dahil nagsasanay ako palagi.Practice makes perfect hehe.

"Wow naks tapang yarn?"

"Che! do'n na nga kayo,"taboy ko sa kanila Iniistorbo nila ako , mamaya tatamarin na naman ako gumawa niyan.

"Sana alls hinahatid ng chupapi,hinatid ka raw ni Joaquin kahapo pauwi ah,"wila ni 'insan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Eh ano ngayon?masama ba 'yon?"

"Hindi naman , pero sana all ha alam mo ba be' bigla siyang nawala sa game kahapon akala ko personal emergency lang 'yun pala ikaw ang pupuntahan , hindi na nag-abalang ipaalam sa'min ni Riki.Aba! Nag-solo flight ang loko , nakalimutan niyang ako ang bestie mo psh!" reklamo ni Raine.

"Nagulat nga din ako nando'n siya e," sabi ko."

"So silang dalawa lang ni Shin ang nakakaalam sa nangyari sa inyo kahapon ganern?"ani 'insan.

"Oo yata"

Nagkatinginan silang dalawa at saka nagtitili at hinampas-hampas pa ako sa braso.


Smithereens (GBF×BBF) [under Editing]Where stories live. Discover now