Chapter 15 : MOMENTS TOGETHER

7 3 0
                                    

ELVIE


Miyerkules na kami ng umaga nakabalik ng Manila.Gusto ko pa sana mag-stay doon sa Laguna kaya lang ay kailangan na talaga.Nag-enjoy ako sobra ,ang dami ko ring napagtanto habang nandoon kami.

Pero ngayong  nakabalik na kami ,hindi ko maiwasang malungkot.Bakit?kasi start na ng campaign kaya wala na naman sila 'insan.Bihira ko na naman sila makikita.Nasa iisang school kami pero ganito.Hayst for the sad ang person ngayon.

"Insan ,paano kapag hindi ka nanalo?"

"Edi tanggapin ang pagkatalo ganern , hindi naman ako umaasang mananalo ako e ang mahalaga ay important hahaha charot lang! basta ang mahalaga ay yung experience at lesson na natutunan at matututunan ko sa pagtakbo okie?Hindi naman kailangan manalo palagi sa lahat ng bagay what I mean is... We don't lose if we learned a lesson,"litanya niya.

Napabuntong-hininga na lang ako pero infairness ay may point siya.Okay I think this is enough ,masyado nang maraming say si 'insan.Tama na siya for today's bidyo.

Tumayo na'ko sa pagkakaupo at nag-walk out.Hindi,jokie lang pumunta ako ng banyo para maligo ,papasok na kasi ako.Mauuna akong pumasok ngayon kasi mamaya pa siya , excempted siya sa klase dahil magka-campaign nga sila.Sana alls diba.

******

"Billy papasok na'ko ah ,bye bye!" paalam ko kay 'insan at pumasok na.


Kahit medyo malungkot dahil alone na naman ang peg ko ngayon ay hindi pa rin nawawala ang positiveness ko sa pag-aaral.So for today's update ay mag-aaral akong mabuti.

Magsisipag ako ngayon at hindi na aantukin.Sana true diba haha, manifesting hindi antukin mamaya sa class.



"Hi Elvie!"

"Oh?Hi Shin" shems?! Is this real?! Si Shin ang unang bumati sa'kin! OMG  for the blessed ang lola niyo today oh

Ang laki ng smile niya ,yung hindi kita ang mata.May bitbit siyang dalawang makapal na libro as usual sa katulad niyang nerd na pogi.

"Are you going to your class already?" tanong niya.Sumabay na siya sa'kin habang naglalakad papasok nang campus.

Tumingin ako sa relo at medyo maaga pa naman para pumasok ako.Well ,maaga kasi talaga ako pumasok ngayon para sana mag-review ng mga lessons , dalawang araw din nabakante ang utak ko dahil sa camping.

"Hindi pa naman bakit?"ani ko.

"Eh saan ka pupunta?"tanong niyang muli sabay ayos ng eyeglasses niya.

"Mag-re-review lang ng mga lessons , nakalimutan ko na kasi diba nag-camping pati utak ko nag-adventure,"pabirong sagot ko kaya natawa siya.OMG happy niya na 'ko.

"Really?edi sabay kana sa'kin , mag-re-review din ako e.Let's go to the library,"sabi niya kaya nagningning ang mga mata ko at s'yempre ay pumayag agad ako.I won't waste this opportunit, so I'll grab it!" Haha english yarn?

Happy -happy ako ngayon dahil may ka-duo ako sa pag-aaral hehe mas gaganahan na'kong magbasa-basa nito.Sana ay maisipan niya din akong turuan kahit ano or kahit tips lang paano maging matalino at masipag na student ng Horizons University.

"Do you want to get some drinks before we proceed on the library?" tanong niya.

"Huh?di'ba bawal ang pagkain do'n?"takang tanong ko.Bawal naman kasi talaga magdala ng pagkain do'n ewan ko ba mung bakit nag-alok siya.Ay naalala ko student librarian pala siya doon kaya excempted siya sa rule na 'yon o baka naman pala-desisyon lang talaga itong si Ryushin?

Smithereens (GBF×BBF) [under Editing]Where stories live. Discover now