Pinaglaruan ng alon
Dinaya rin ng panahon
Napadpad sa isang isla
Linlang din ang gumunita
Pag-apak pa lang ng pangpang
Mayroon nang nag-aabang
Mga piratang tulisan
Isang diwatang makinang
Inalok na maglalayag
Kalakip mga pirata
Subalit hindi pumayag
At sumama sa diwata
Umasang may makakasama sa isla
Nabighani sa kutitap ng diwata
Pumagaspas sa mapang-akit na halik
Init nito'y may nag-aambang kapalit
Unti-unting hinigop ang kaluluwa
Pagtapos piniga anyo'y pinakita
Pumuti ang buhok, balat ay kulubot
Inabandonang kawang uugod-ugod
Pagdaong sa isla'y kay raming natanto
Minsan kaharap mo'y nagbabalat kayo
Payo'y mag-ingat at alaming maigi
Kung sino bang masama't sinong mabuti
![](https://img.wattpad.com/cover/301863503-288-k156988.jpg)
BINABASA MO ANG
Sa Silong ng Katre
PoetryHi reader! "Sa Silong ng Katre" is a 10-part traditional poem with over 50 stanzas that tells an epic story of a child to his adulthood. More Filipino poems were added turning this book into a poetry collection. Enjoy!