Gabi pa lamang ay maghanda ka na
Payo nila'y mas mabuting mas maaga
Pagnilayan mo ang bawat desisyon
Upang maging klaro ang destinasyon
Buksan mo ang maleta ng iyong isip
At ika'y mag-impake muna saglit
'Wag mo nang dalhin ang magagarbong damit
Bagkus ang 'yong mga natutunan, sa halip
Ibulsa mo ang talentong ipinagkaloob sayo
At hugutin lamang kung ito'y kinakailangan
Isuot mo and disiplinang magsisilbing pundasyon mo
Sa tatahakin mong kalbaryo
Ingatan mo ang apoy na nagpapasiklab
Ng pagtitiyaga mo' t paghihirap
'Wag mong kalimutang isarado ang pinto
Ng iyong mga nakaraang pagkabigo
Kahit dumating and marilag na umaga
Baunin mo pa rin sana ang mga katangiang ito
Hindi pa tapos ang iyong paglalakbay
Magtiwala ka, may paroroonan ka pa

BINABASA MO ANG
Sa Silong ng Katre
PoesíaHi reader! "Sa Silong ng Katre" is a 10-part traditional poem with over 50 stanzas that tells an epic story of a child to his adulthood. More Filipino poems were added turning this book into a poetry collection. Enjoy!