Gulantang ng pagbabago'y
Imposibleng maiwasan
Dapat sumabay sa daloy
Nang hindi mapag-iwanan
Nanaginip ng masama
Prinotektahan ni inay
'Pag lumuwal ng tahana'y
Anong maipapanangga?
Parte ng paglaki ang 'di dumipende
Ang maglakbay at siyasatin ang silbi
Matutong lumaban nang walang kakampi
Huwag kumurap sa mundong mapang-api
Hindi lang pala sa ilalaim ng kama
Mga ganid na nilalang ay lumungga
Mismong sa ibabaw pala ng higaan
Ang mas nararapat ko na katakutan
Nagpatuloy akong humatak mag-isa
May halong lumbay pala ang nahihila
Naghabi ng sariling sutlang pamalit
Inakalang ligtas nang kumapit ulit
Lingid na nagmalaki ang munting bata
Sa pagtanggi ng kamay mula sa iba
Tinago ang gulantang sa pagbabago
Sinanay sa loob ng ilang segundo
Tulog na'y mas kumportable
'Pag wala akong katabi
Payapa nang tinuturing
Tuwing mag-isang kakain
Isang dekada ang nagdaan
Yun lang ba ang natutunan
'Di dumipende sa iba
Nagpanggap lang namang kaya
BINABASA MO ANG
Sa Silong ng Katre
PuisiHi reader! "Sa Silong ng Katre" is a 10-part traditional poem with over 50 stanzas that tells an epic story of a child to his adulthood. More Filipino poems were added turning this book into a poetry collection. Enjoy!