Pagka-uwi sa tahana'y
Saplot anaki'y nagutay
Unang nakita si inay
Kinakaway kanyang kamay
Patawad sa iyo ina
Sa tinagal ng nilakbay
Tanging pasalubong ko lang
Ay kabiguan sa buhay
Paglakbay nga ay nagtagal
Narating ay 'di malayo
Pangungulila sa mahal
Binalewala nang buo
Sumilip ang mga tinatagong luha
Pagpunas ni ina'y nag-iwan ng pinta
Halong puting tinta na s'yang magbubura
At pupunan ang mga puwang sa linya
Mapait man o mahalay
Pasalubong na inalay
Tinanggap pa rin ni ina
Nang walang pagkakaila
![](https://img.wattpad.com/cover/301863503-288-k156988.jpg)
BINABASA MO ANG
Sa Silong ng Katre
Thơ caHi reader! "Sa Silong ng Katre" is a 10-part traditional poem with over 50 stanzas that tells an epic story of a child to his adulthood. More Filipino poems were added turning this book into a poetry collection. Enjoy!