Alaala sa Buhangin

35 11 1
                                    

Paang hagod ang buhangin

Butil ay nagpa-alala

Nabungkal sa isipan

Ang minsang kinatakutan


Talaga nga bang intensyon

Ang masaktan ako noon

Marahil nalumbay sila

At gustong may makasama


Wala nang ibang ninanais

Kundi payapa'y makamtan

Palit ng lumbay na labis

Ay purong katahimikan


Noong bata'y nanaginip ng masama

May mga halimaw sa silong ng kama

Datapuwa't ako ngayo'y may edad na

Payag na 'kong magpahila sa kanila 

Sa Silong ng KatreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon