Buhok ni Ina

52 13 3
                                        


Gabi'y sumapit, nabalisa ang isip

Itinakda muling tumikim ng idlip

Buhok ni ina'y pinulupot sa kamay

Para 'pag hinila'y 'di mahihiwalay


Sakaling magising muli sa bangungot

Paumanhin kay inang masasabunot

Ngunit sigurado ako't 'di na takot

Pagtulong saki'y 'di niya ipagdaramot


Buhol sa isipa'y tuluyang nawala

Kathang halimaw ay 'di na nanggambala

Paggising sa umaga'y 'di na nagtaka

Malamang nalamangan ko lamang sila


Magmula noo'y gabi'y naging payapa

'Pag handang matulog ay nakakapit na

Daliri'y binibilang ang bawat hibla

Panatag ang loob sa buhok ni ina 

Sa Silong ng KatreMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon