Toreng Pundi

34 10 0
                                        

Panglaw ang namasyal sa dalampasigan

Humati sa lupa't dagat ay namasdan

Hamog pala'y may natatakpang gusali

Nang inaninag ay isang toreng pundi


Makaakyat sana kung nakahawak pa

Sa mahaba't itim na buhok ng ina

Inilabas ang sariling-habing sutla

Ikinawit sa bunganga ng bintana


Kapagdakang ikukubli ang sarili

Sa taas ng parolang walang sindi

Pagyapak sa payak na silid ng tore

Pumapagitna ang isang lumang katre


Kailan ba huling nakapagpahinga

Maari bang ihiga ang iniinda

Magkano ba ang kapiranggot na idlip

Nang baka magising na sa panaginip

Sa Silong ng KatreMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon