Una't Huli

18 7 1
                                        


Unang araw palang sa'ting eskwelahan

Ang ganda mo ay agad kong nasilayan

Lahat tayo'y nasa mahabang pilahan

Sa rami ng tao, di ka malapitan


Umapaw ang tuwa nang ika'y nakita

Nalaman kong ika'y kaklase ko pala

Ikaw ay pumasok at nagpakilala

Nakinig lang ako sa'yong pagsasalita


Nang pagpapakilala mo'y tapos na

Hindi ko mapigilang kausapin ka

Mga araw at buwan ay lumipas na

Unti-unti na kitang nakikilala


Ikaw pala'y may talentong tinataglay

Sa kanta't pagsayaw ikaw ay mahusay

Di ka maramot, lagi kang nagbibigay

Pati buhay ko binigyan mo ng kulay


Pag ika'y galit mata mo'y nanlilisik

Ngunit minsan naman ikaw ay nakatahimik

Tayo'y naging magkaibigang matalik

Kaya't ako sa iyo'y sabik na sabik


Gusto at mahal kita, alam mo na yan

Ngunit alam mo lang bilang kaibigan

Parehas ba tayo ng nararamdaman?

Pag-ibig ko sayo sana ay malaman


***


Hindi ko kaya, takot akong umamin

Sapagkat ang pagkakaibigan natin

Baka ito'y mawala nalang sa hangin

Ngunit sumisigaw ang puso't damdamin


Ilang araw at linggo ang nakaraan

Hindi parin kita napagtatapatan

Pag-ibig ko sayoy higit sa kaibigan

O Diyos aming ama ako'y tulungan


***


Eto na! Nakapagdesisyon na ako

Ito na ang oras para malaman mo

Na ikaw at walang iba ang mahal ko

Kahit na ang maging tayo ay malabo


Sobra ang lakas ng tibok ng puso ko

Nang akoy papalapit pa lamang sa'yo

Nabubulol pa nang sinabi sa iyo

Na mahal kita! Pwede bang maging tayo?


Sabi ko pa "alam kong itoy biglaan

Ang sasabihin ko sa'yo ay pakinggan

Pag-ibig sayoy higit sa kaibigan

Matamis mong oo sana ay matikman"


At Sinabi mo "itoy nakakailang"

Tingin ko sa iyo'y kaibigan lang

Baka sa pag-aaral ko'y maging hadlang

May nararapat sa'yo, maghintay ka lang


***


Isang araw ako'y may nabalitaan

Ikaw pala'y may malubhang karamdaman

Ang totoo ayaw mo kong mas masaktan

Dahil ika'y hahantong sa kamatayan


At sa puntong siya'y magpapaalam na

Ang Huli niyang Sinabi ay "mahal kita"

Di ko namalayang tumulo ang luha

Siyay nagpaalam na may ngiti sa mukha


Ang tula na ito ay para sa iyo

Nasan ka man ngayon, sanay malaman mo

Ikaw palang ang tinibok ng puso ko

Ikaw lang at wala nang iba sa mundo

Sa Silong ng KatreMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon