Kailangan bang sumama sa kawan
O mas mabuting tumaliwas ng daan?
Kung sakaling silbi'y mahahanap ko man
Kung sa'n nababagay ba'y matatagpuan?
Hindi ko na ramdam na ako ang bida
Sa sarili kong kwentong ginaganapan
Isa na lang yata akong salimpusa
Dito sa mundong aking ginagalawan
Namamalayan mo pa ba?
Ang pagkaripas ng oras
Nasa karera ka pa ba?
O 'di umabot sa kumpas
Salimpusang mag-isa sa kagubatan
Nabitag sa patibong ng kalungkutan
Ang bakas kung sa'n nadapa ay tila ba
Sinadyang sanaying sayangin ang saya
Sinubukang ipihit ang manibela
Huli ng taya't pinalakad sa tabla
Hinayaan pang mabuhay sa karimlan
Namangkang hawak-hawak ay libong sagwan

BINABASA MO ANG
Sa Silong ng Katre
PoetryHi reader! "Sa Silong ng Katre" is a 10-part traditional poem with over 50 stanzas that tells an epic story of a child to his adulthood. More Filipino poems were added turning this book into a poetry collection. Enjoy!