Magkataong bumisita
Ikaw ba'y may salikmata
Pagtakhan muna ang katre
Ng aking inangking tore
Ako'y wala sa ibabaw
Bagkus naro'n sa ilalim
'Di naaabot ng tanglaw
Sapagkat balot ng dilim
Kahit na maalikabok
Sumasalubsob sa sulok
Bagama't kalog ang baba
Lumagpas ang alintana
Marahil ika'y nagtataka
Kung ano ang ginagawa?
"Nagpapahinga't humimlay?"
Mali, ako'y naghihintay
Sa pagbaliktad ng mundo
Hintayin ang madaragwit
Pag naging dagat ang langit
At mga ulap ay pulo
Lalambatin ang nagmamadaling araw
Hinihiling na ako'y kaniyang hatakin
Itinaob ang katreng mistulang paraw
Hudyat ng pagsikat, pasuyong pasanin
Pamamangkang mag-isa'y magmamaliw na
Hinatid ng araw kung sa'n nagsimula
Animo'y sangkot na siglo ang nagdaan
Bago ang talampkan ay mahugasan
BINABASA MO ANG
Sa Silong ng Katre
PoesíaHi reader! "Sa Silong ng Katre" is a 10-part traditional poem with over 50 stanzas that tells an epic story of a child to his adulthood. More Filipino poems were added turning this book into a poetry collection. Enjoy!