Balang Araw

17 7 0
                                    


Mabibilang mo ba ang mga parirala

Ang mga pangako at kataga

Na isinumbat mo tuwing ikay naitanong

"Ano ba ang pangarap mo?"


Marahil hindi nito matutumbasan

Ang pag-urong sulong ng along

Patuloy na humahamon sayo

At pagsalungat mo sa agos nito


Madalas iniisip natin na iisa lang ang daan

Iisa lang ang direksyon na pupuntahan (Pataas)

Ngunit may pasikot-sikot

May paikot-ikot


May pakurba, may palinya

Minsan babalik ka pa nga

Minsan mawawala ka

at di alam kung pa'no ulit magsisimula


Kahit maliit, mangarap ka pa rin

Hindi ba't sa unang tingin

Mumunti lang naman din

Ang mga nakasabit na bituin


Nakapaligid sa'yo ang mga bituin

Kailangan mo lang silang hanapin

Nakapalibot sila sayo

na parang mga alitaptap sa dilim


Iilan lang ang nakakahuli

Dulot ng pagpupunyagi

Ang iba'y abot kamay na

Ngunit papakawalan pa


Iilan lang ang di nagpapalinlang

Ang di nagpapapatid sa kasarinlan

Iilan lang ang kumakapit sa balang araw

ang nagpapatuloy nang hindi naliligaw


Maging ehemplo ka ng pag-asa

na sisibol sa bawat paghikbi

Tulad ng pagningning ng mga tala

Hindi natitinag sa gabi


Harangan ka man ng 'yong siphayo

Patuloy ka lang sa pag-usad

Di maipagkakaila ang mga sakripisyo

Sa pag abot ng iyong hinahangad


Anumang pangarap o propesyon

Malaki, maliit, matulin o malayo

Darating ang daluyong ng along

Hahatid sayo sa balang araw mo

Sa Silong ng KatreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon