Sige

22 7 3
                                        


Sige

dalawang pantig na may kahulugang

Si — para sa mga sinayang

Ge — para sa mga ginamit lang

(Para sa inyo 'tong tulang ito. Para sa atin)


Sige

napakacommon, napakasimple

Depinisyon:

Kadalasang ginagamit kapag sumasang-ayon

Halimbawa:

Labas tayo

Sige

Uwi na tayo

Sige

Break na tayo

Sige

Teka huh? ani ko nung isang gabing malamig

At mas lalo lamang nagpatindig

ng aking mga balahibo nung inulit niyang

"Break na tayo, may iba na akong nagugustuhan"

(confused face)


Joke ba yan?

Sabihin mo tinotoyo ka lang

Sino ba namang hindi maguguluhan

Pagkat ganun ganun nalang

Gusto mo na kong iwan?


Dagdag pa niya, "Seryoso,

Hindi ako nakikipaglokohan"

Pero bakit parang kahapon lang

tayo'y tumatawat nagbibiruan

tas ngayon

Lahat ng ating pinagdaanan

Parang nawala, naging bula

plok plok plok (bubble noises)


Baka sa simulat sapul

ginamit mo lang ako

Para pagselosin yung ex mong TARAN-tula, tarantula

Na kahit tayo na

gumagapang parin yung mga galamay niya,

palapit sayo


May iba raw na nagugustuhan?

Baka hayop na babalikan!


Baka totoo yung sabi nila

Ng mga kaibigan mo

Na kahit tayo na

Nagploplok plok plok pa rin kayo

(Hoyy iba na yon)


Buti nga sinabi niya eh

Pero sayang parin babe eh

Ay iba na pala tumatawag sayo niyan

Siya na ulit

Sakit (sabay tusok sa dibdib)


Sabi niya pa,

wag kang iiyak

Pasensya na,

eto pambili alak

(takip ng bibig)


Pero tinanong ko ulit siya

Kung ayaw niya na ba talaga

Tumingin siya saking mga mata

Isang tango ang nagkumpirma


At ang sagot ko naman,

Sige

Kung yan ang gusto mo

Sige

Kung jan sasaya ang puso mo

Sige lang magpaparaya ako

Kung hindi na ako ang iyong mundo

Ano bang magagawa ko

kung siya pa rin ang gusto mo

Kaya sige


P.S.

Kung bukas makalawa

Babalik ka

At tatanungin mo

Kung pwede pa ba?

Hindi ako matutuksong sabihin

ang salitang ito

Dahil sa mga pantig nito

ipapaalala ko sa sarili ko

na sinayang at ginamit mo lang ako

Sa Silong ng KatreMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon