Pwede ba kong magsimula sa ka, ke, ki, ko, ku?
Kasi "ka", kanang kamay ang ginamit ko sa pagsulat ng tulang ito
Hindi sa pagmamayayabang pero marami akong talento
Talentong mula sa Diyos na nais kong ibahagi sa inyo
Ka, ke, ki, ko, ku, asan na ba tayo?
Ah sa "ke", Kennedy Entia nga pala
Kikilatisin ko ang kilay, kulay at kilos mo
Lalo na 'pag wala akong ginagawa
"Ki", kinakabahan ako, siguro palagi
Tinatago ko lamang ito sa aking mga ngiti
Bakit ika mo? Mahilig kasi ako sa kape
Kaya mulat na mulat ang mga mata ko tuwing gabi
Ka ke ki ko ku, sa "ko" naman
Pangarap kong maging superman
Sa paraang nakatutulong ako sa panggagamot
Na sa kapwa'y may magandang maidudulot
Ke, ki, ko, ku, parang may "ku", kulang
Parang may kung sinong kulang sa aking mga hakbang
Ah, oo nga pala, yung "ka" 'yong nawawala
Pangarap ko rin nga pala ang ma-ka-sama Ka
BINABASA MO ANG
Sa Silong ng Katre
PuisiHi reader! "Sa Silong ng Katre" is a 10-part traditional poem with over 50 stanzas that tells an epic story of a child to his adulthood. More Filipino poems were added turning this book into a poetry collection. Enjoy!