Tulong
Sa kadiliman
halimaw ay nagtago
Ito'y nag-abang
Sa paghasik ng lagim
Tinutok ang patalim
Ang aking mga kamay
Iginapos nang sabay
Kasamaan na ito
Kumakalat ang bahid
Sa aking pagkatao
Ang dumi'y ipinahid
Ikinawit ang ganid
sa aking kasarimlan
Ipinahid ang apid
ng purong kasamaan
BINABASA MO ANG
Sa Silong ng Katre
PoetryHi reader! "Sa Silong ng Katre" is a 10-part traditional poem with over 50 stanzas that tells an epic story of a child to his adulthood. More Filipino poems were added turning this book into a poetry collection. Enjoy!