Diona

27 7 1
                                        

Ano ang diona?

Ang diona ay isa mga katutubong anyo ng tula sa Pilipinas, bago pa man dumating ang mga Kastila. Kabilang ito sa mga anyong tinatawag na "awit" sapagkat karaniwan itong binibigkas nang pakanta.

Ang diona ay binubuo ng iisang saknong na may tatlong taludtod, pipituhing pantig bawat taludtod, at isahang tugma. Bagamat karaniwang ukol sa pag-ibig ang mga sinaunang diona, marami na ring manunulat ang sumusulat ng diona tungkol sa sari-saring tema. 



Ikaw lang ang hahagkan

Ang mukhang pagmamasdan

Boses na papakinggan


Ilapit mo 'yong bibig

Sakin lamang ang titig

Tikman mo ang pag-ibig


Kapiling muli kita

At pagkusot ng mata

Guni-guni lang pala


Ang aking adhikain

Ay hindi na hikain

Para ika'y makain


Di naman ako adik

Liban pag nasasabik

Sa iyong mga halik


Wala rin namang piging

Ngunit tuwing paggising

Ba't tila nakapiring


May itatanong ako

Sinong pipiliin mo

Ako, ako o ako?


Tanaw sa alapaap

Nagkukumpulang ulap

Ikaw pa rin ang hanap


Nagdadalawang-isip

Kung Ito'y kathang-isip

O pawang panaginip


Nagbabagang balita

Lampas tao ang baha

Dito sakin ligtas ka


Sa paglinya ng tala

Sa pagpihit ng tadhana

Malilimot din kita


Kunwari nandito ka

Kunwari masaya pa

Kunwari lang, hindi ba?


Binibilang ang hakbang

Naglalakwatsa lamang

Sa'n? Sa'n nga ba...nagkulang?


Handa akong magpatalo

kung ikaw ang kalaro

Kahit baligtarin panalo


Gumuho man ang mundo

Tadhana ma'y magbago

Sa iyo lamang ako

Sa Silong ng KatreMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon