Nabulabog na isipan
Hinimasmsan ng amoy
Kumakatok sa kalamnan
Almusal na lutong-kahoy
Nag-aaligagang hinanap
Ang inang nag-aagahan
Dagli-dagling sinunggaban
Ng ubod higpit na yakap
Pamihii'y nilathala
Umagos ang mga saknong
Waring gambala'y nawala
Kandong ang nagpahinahon
Dahang sumalo sa hapag
Na may itlog at sinangag,
Gatas na mainit-init
At paborito kong biskwit

BINABASA MO ANG
Sa Silong ng Katre
PuisiHi reader! "Sa Silong ng Katre" is a 10-part traditional poem with over 50 stanzas that tells an epic story of a child to his adulthood. More Filipino poems were added turning this book into a poetry collection. Enjoy!