Prologue

324 8 0
                                    

"Nestor sandali mayroon akong nadidinig na iyak ng isang bata"

"Guni guni mo lang yon"
"Hindi halika tignan natin"

Naririnig ng isang batang babae ang boses nila.

Hindi ko alam bakit ako iniwan dito panay lang ang iyak ko.

Hinahanap ko sila Daddy at Mommy pero hindi ko sila makita.

"Ay ineng bakit ka naiyak asan ang mga Mama mo?"
"I don't know po"
"Halika dito"

Agad akong lumabas sa isang sulok at binuhat ako ng isang lalaki.

"Kay gandang bata anong pangalanan mo?"
"Athena po"

"Nestor anong gagawin natin sa kanya?"
"Dalhin muna natin sa bahay at malinisan muna bukas na bukas din ay dalhin natin agad sya sa istasyon"

Buhat ako ng nung lalaki pag dating sa maliit na bahay agad akong nilinisan at pinakain.

Kinabukasan ay dinala ako sa isang police station.

Agad nila na nireport kung may nag hahanap sa akin.

Matagal ako kila Lola Dalia hanggang sa may kumuha sa akin at dinala ako sa isang bahay na madaming bata.

Doon ay binibisita ako nila Lolo at dinadalhan ako ng pagkain at laruan.

Hanggang napag pasyahan na ampunin na lang nila ako.

"Athena apo bangon kana"
"Gising na po Lola"

Agad akong lumabas at nag tungo sa kusina para mag hilamos at agad na sinabayan sila Lola mag agahan.

"Apo ito yung baon mo"
"La meron pa po ako baon na natira kahapon"
"Idagdag mo na yan"

Nasa 3rd year high school na ako at isang taon na lang ay matatapos na ako.

Wala ako gaano na kaibigan sa pinapasukan ko dahil wala naman silang alam na gawin kundi ang awayin at bulihin ako.

Sapol ng napa tira ako dito mula ng nag aral ako suki na ako na awayin ng mga kaklase ko.

Kaya ako na ang umiiwas pero kahit anong iwas ko ganon lagi ang ginagawa nila.

Dumating ang huling taon ko sa highschool at kumuha ako ng scholarship para sa college ko dahil gusto ko maka bawi kela Lolo at Lola sa pag papa laki nila sa akin.

Pag ka tapos ko ng highschool ay nawala si Lolo sobrang sakit  dahil hindi pa ako nakaka bawi sa lahat ng kabutihan niya sa akin.

Naka pasa ako sa isang kilalang kolehiyo sa maynila dahil sa taas ng grades ko ay naka kuha ako ng full scholarship pati ang tutuluyan ko ay mayroon.

"Lola para sa inyo ni Lolo ito mag tatapos ako para sa inyo at tatayuan ko kayo ng magandang bahay"

"Alam ko apo makaka tapos ka dahil matalino at mabait ka na bata"
"Basta Lola pag iigihan ko po para sa inyo tayo na lang po na dalawa sayang wala na si Lolo"

"Masaya ang Lolo mo apo"

Eto ang araw ng lipat ko ng maynila si Lola ay gusto ko isama pero tumanggi ito.

"Lola basta tuwing linggo ay uuwi po ako dito sa Pangasinan"
"Apo mapapagod ka lang sa byahe"
"Hindi po Lola"

Pag karating ko sa dorm ko ay agad kong inayos ang gamit ko.

Napaka ganda ng kwarto na to kumpleto na ang gamit mula sa higaan may study table pa at aircon.

Matapos ko ayusin ang gamit ko ay agad kong tinawagan si Lola sa cellphone at kinuwento ko ang tinutuluyan ko.

Ito ang araw ng pasok ko hindi naman kalayuan ang dorm na tinutuluyan ko.

Pag pasok ko sa gate ay nag tanong agad ako sa guard kung saan ko makikita ang admin office.

Agad na tinuro sa akin kung saan ko makikita.

Habang hinahanap ko ay naka tingin sila sa akin pero hindi ko na lang pinansin.

Agad ko nakita ang office kaya kumatok agad ako.

Matapos ibigay sa akin maging ang mga libro ay tinuro sa akin kung saan ang sarili kong locker pinasamahan ako sa isang istudyante.

"Thank you" tipid na sabi ko.

Agad kong nilagay ang mga libro ko saka ko hinanap ang unang class ko.

Madami akong nasasalubong na mga matang mapanghusga.

Mga salitang mula noon ay nadidinig ko napa hinga na lang ako ng  malalim.

Agad kong nakita ang unang subject ko agad akong puwesto sa pinaka dulong upuan.

Hanggang sa dumating ang Prof namin konting discuss lang at pakilala  sa mga classmate.

Nang matapos ang klase ko ay agad na akong umuwi dinaanan ko muna ang mga libro na nilagay ko sa locker ko.

Ngunit bago ako maka punta doon ay may humarang na agad sa akin.

"Hoy nerd"

Hindi ko na lang pinansin at nag deretso na lang ako ngunit bago pa ako maka lagpas ay.

"Hoy pag tinatawag ka humarap ka"
"Anong kailangan mo?" Tanong ko
"Bastos ka sumasagot ka pa" sabay sampal sa akin.

"Ano asan ang tapang mo" sabi ng isa
"Wala ka pala e" sabay tulak sa akin na kinabagsak ko sa sahig.

Bago sila umalis ay pinag sisipa muna nila ako napaigik ako dahil sa sakit.

Ginala ko ang mata ko at nakita ko na pinag tatawanan ako.

Agad akong tumayo kahit masakit ang buong katawan ko. Nag papasalamat ako hindi nabasag ang salamin ko.

Pagkarating ko ng locker ay kinuha ko agad ang gamit ko at iika ika akong nag lakad.

Hindi ko alam kung tama ba na dito ako mag aral.

My Nerd is My Ex (COMPLETE)Where stories live. Discover now