9

121 8 0
                                    

Halos isang buwan na nang natapos ang birthday ni Ethan. Tanda ko pa ng kinausap ako ni Patricia.

"Athena in behalf of my cousin ako na mag sosorry sa nagawa niya sayo"

"Wala ka naman kasalanan saka malaki ang utang na loob ko sa company niyo ang laki ng tulong na napalaki ko ng ayos ang anak ko." Sabi ko

"Grabe napaka liit ng mundo kaya pala sobra ang gaan ng pakiramdam ko kay Ethan ayon pala hindi lang ninang kundi Tita niya papala ako"

"Salamat at tinanggap niyo ang anak ko"
"Ano ka ba kahit hindi ko pamangkin  si Ethan inaanak ko yan mahal ko yan"
"Salamat"
"So any plan?"
"Plan saan?"
"Isang Geronimo si Ethan"
"Patricia hindi ko gagamitin ang anak ko alam mo yan"
"Alam ko pero kailangan malaman ng family namin na may anak na kayo ni Liam"
"Sa totoo lang ayos na sa akin na nakilala ni Ethan si Liam siguro hanggang doon na lang muna saka baka mamaya ang anak ko ang maging hadlang kung sino man ang girlfriend ni Liam tama na sa akin yon"
"Pero what if kayo ang piliin?"
"Siguro para sa anak ko na lang"

Kasalukuyan na nasa site ako si Ethan naman ay nasa bahay thanks to Patricia dahil ito ang kumuha ng pwede na mag bantay kay Ethan habang nasa trabaho ako.

"Athena" tawag ng isang engineer sa akin
"Yes"
"Tama na muna yan nag order si Mr. Monterde ng meryenda"
"Sige susunod na lang ako salamat"

Agad kong tinapos ang ginagawa ko saka sumunod sa maliit na opisina namin dito sa site.

"Athena andito ka na pala let's eat"ani Mr. Monterde
"Thank you Sir"

After naming mag meryenda agad bumalik sa trabaho ang ilan ako at si Mr. Monterde ang natira sa opisina.

Natapos ang buong araw na to sakay ng company service dumaan muna ako para kunin ang pina bibigay ni Jillian para sa inaanak galing kasi ito sa bakasyon at dumaan muna ito dito sa office dahil kinausap head namin.

"Sorry ngayon lang ako naka balik busy sa site kanina"sabi ko.
"It's ok hindi pa din naman ako tapos dito, sya nga pala ito pasulubong ko sa inyo ni Ethan"abot nito

"Ang dami naman thank you"
"Alam ko magugustuhan niyo yan lalo na si Ethan"
"Salamat ng marami"
"Alam mo naman spoiled sakin ang inaanak ko"
"Hahaha panay nga ang tanong kung kailan ko daw sya isasama dito kasi namimiss ka na daw niya"kwento ko.

"Sige sa weekend kita tayo"
"Ok, so mauna na ako thank you uli dito"sabi ko.
"Your welcome"

Bago ako umuwi dumaan muna ako ng grocery saka umuwi.

Pag karating ng bahay agad akong sinalubong ng anak ko.

"Mama"
"Anak pawis na pawis ka"
"Mama play kami Daddy" nagulat ako na andito si Liam.

"Ahm andito ka pala"sabi ko
"Yeah gusto ko kasi makasama si Ethan sorry hindi ako nagpa sabi na pupunta dito"
"It's ok no problem"

Iniwan ko muna sila at nag punta muna ako sa kwarto namin para mag palit ng kumportableng damit.

Agad akong lumabas at nag asikaso ng dinner namin.

"Magandang gabi Ate" ani Janice
"Magandang gabi din pahinga ka muna ako na ang mag luluto"sabi ko
"Hindi na po Ate ako na lang po saka kaya ko naman po"sabi nito.

Tinulungan ko na lang ito nang matapos mag luto sinabi ko na mag handa na ito para makakain na kami.

Pumasok ako sa sala at nakita ko na masayang nag lalaro ang dalawa.

"Naka ready na ang dinner"sabi ko
"Let's go kiddo"

Sabay sabay kami na pumasok ng dinning agad ko naman inupo si Ethan sa highchair nito.

Tahimik lang akong kumain si Ethan lang ang nag sisilbing ingay sa amin.

Nang matapos ay pinalinisan ko na ito kay Janice at ako na ang nag ligpit ng pinag kainan namin.

Nang matapos ako ay nag tungo ako sa sala at nakita ko na masayang nag uusap ang dalawa.

"Ethan uuwi na si Daddy gabi na e"paalam nito.

"Di ka po dito sleep?"
"Hindi anak babalik na lang si Daddy ha"
"Sige po" pero bakas sa boses ni Ethan ang lungkot.

"Athena thank you dahil hinayaan mo ako na makasama si Ethan"

Tumango na lang ako sa kanya.

Agad na hinatid namin ito hanggang sa gate panay ang babye ni Ethan kay Liam.

Nang umalis na ito ay agad kong sinara yung gate at nilock agad ito.

"Mama kelan balik si Daddy?"
"Anak kaka alis lang niya"
"Mama miss ko na po agad e"
"Antay mo na lang uli sya pumunta dito anak"

Pag pasok namin sa loob ay sinabihan ko na si Janice na mag pahinga na ito kami naman ni Ethan ay pumasok na sa kwarto namin.

Dahil siguro sa pagod agad kaming naka tulog ni Ethan.

Madali lang lumipas ang araw at malapit na matapos ang kay Mr. Monterde.

Si Liam naman ay hindi na ito kailanman bumalik ng bahay last na nung nag punta sya.

"Mama"
"Bakit anak?"
"Mama pwede po tayo punta kela nong nong?"
"Anak wala sila kung gusto mo alis na lang tayo ni Mama"
"Talaga po Mama"
"Oo naman halika ligo na tayo tapos alis na tayo"

Matapos mag ayos ay umalis na agad kaming tatlo ni Ethan at Janice.

Pag pasok namin ng mall ay sinabi nito ang gusto niya na unahin na puntahan kaya naka sunod lang kami ni Janice dito.

Una nito sa playland nang mag sawa ay sa amusement  naman. Pero bago yon ay pinalitan ko muna ito ng damit.

Sakay ang dalawa ng rides kaya kinuhaan ko ang mga ito ng pictures.

Nakita ko ang saya sa mga mata ng anak ko.

Dahil sa simpling bagay lang na maibigay ko dito ay masaya na ito.

After sa isang rides ay sa cart naman ang dalawa.

Hinahayaan ko lang na mag sawa ito dahil bihira ko lang ito mailabas dahil naging busy ako buti na lang din at patapos na yon.

Nang mapagod ay inabot ko sa dalawa ang juice na binili ko kanina.

"Ano nag sawa ka na?"
"Mama napagod po kami ni Ate"masayang sabi nito kaya natawa na lang ako.

Agad ko pinalitan muli ang t-shirt nito dahil pawis na pawis ito.

Nag aya na ako na kumain kami nag yaya ito sa Jollibee kaya doon kami dumeretso.

Agad na sinabi nito ang gusto na kainin. Matapos umorder ay naka hanap agad kami ng table.

Nang matapos kami kumain ay nag pahinga muna kami sandali saka nag pasya na mag punta ng toy kingdom binigay ko lahat ng gusto ng anak.

After noon ay nag punta na kami ng grocery na tatlo. Dahil sa pagod ni Ethan ay hindi na ito maka lakad kaya inupo ko ito sa push cart.

Habang naka pila kami ay naka tulog na ito kaya binuhat ko ito at si Janice na ang bahala.

Nang papa labas na kami ng grocery syang pasok naman ni Liam kasama si Atasha.

Agad na umiwas ako sa kanila nakita ko na natigilan ito pero hindi ko na lang pinansin nag tuloy tuloy kami na lumabas.

Agad naman kaming naka kuha ng taxi at tinulungan naman kami ng driver sa mga pinamili namin.

Habang sa daan ay mahimbing na natutulog si Ethan hanggang sa nag salita si Janice.

"Ate bakit ganoon si Kuya Liam kanina"sabi nito
"Bakit?"tanong ko.
"Bakit hindi sya lumapit man lang"
"Hayaan mo na sya Janice"sabi ko na lang.

Kahit ako ay nasaktan hindi para sa akin kundi para sa anak ko.

Wala naman akong magagawa doon saka wala naman kaming relasyon ni Liam.

At hindi na para mag habol ako sa kanya basta makita ko lang na masaya ang anak ko sa piling ko.

My Nerd is My Ex (COMPLETE)Where stories live. Discover now