Sa loob ng isang taon ko dito panay ang pam bubully ng grupo ni Atasha hindi lang sya maging ang grupo ni Liam.
Walang mag lakas ng loob na suwayin sila una dahil kilala ang pamilya nila.
Natatahimik lang ako pag walang pasok at bakasyon.
Tulad na lang ngayon umuwi ako sa Pangasinan dahil sem break namin.
Pagkarating ko sa bahay ay andoon si Lola at nag tatahi ng basahan.
"La" tawag ko.
"Apo andyan kana pala bakit hindi ka tumawag na uuwi ka pala"
"La napaaga po ang sem break namin La" sabi ko "La tama na yan sabi ko naman po sa inyo wag na kayo mag tatahi"
"Wala naman akong ginagawa dito"
"La ayaw ko lang po kayo mapagod ng husto" sabi ko"Oh sige na ititigil ko na to bukas ko na lang tatapusin"
Agad kong inalalayan si Lola at nag tungo kami sa hapag dahil may nabili ako na meryenda namin ni Lola at saka prutas para dito.
"La parang bumabagsak po ang katawan niyo?" Tanong ko
"Hindi naman apo"
"La iniinom niyo po ba ang gamot niyo?"tanong ko
"Oo naman"
"La dito na lang po kaya ako mag aral para mabantayan ko kayo""Apo maganda na ang pinapasukan mo sa maynila saka andito naman si Linda kasama ko sya lagi"
Si ate Linda ang pamangkin ni Lola lumaki din ito kasama ko sa puder ni Lola mabait ito at ito ang nag tatanggol sa akin pag may umaaway sa akin.
"Basta Lola hanggang andito ako ako muna ang mag tatahi mag pahinga po kayo alam niyo naman po na ayaw ko na mag ka sakit kayo" sabi ko.
"Oo na apo ikaw talaga"
"Basta Lola pag bubutihin ko po ang aaral ko para sa inyo ni Lolo"Kinagabihan ay ako na ang nag luto ng hapunan namin wala si ate Linda sabi ni Lola ay umuwi sa La Union ito.
Matapos namin kumain ay agad kong niligpit ang pinag kainan namin ni Lola nang matapos ay agad kong nilapitan si Lola na nanonood ng tv.
Kinabukasan maaga akong nagising nakita ko si Lola na natutulog pa kaya hinayaan ko na lang muna ito dahil maaga pa.
Kaya nag ayos muna ako dito sa bahay at pag katapos ay nag handa ng agahan namin matapos ko mag luto ay nag tungo ako sa kwarto namin ni Lola para gisingin ito.
"La naka handa na po ang agahan" tawag ko mula sa labas pero nang taka ako ng hindi nakilos si Lola.
"La kakain na po"gising ko
Agad akong lumapit at halos mawalan ako ng lakas ng hindi ko magising si Lola.
"Lola gising na wag naman po ganito La" iyak ko.
Walang sinasabi si Lola sa akin sa naramdaman niya kaya pala yung pag bagsak ng katawan niya doon ko lang nalaman na may sakit ito.
"Athena kumain ka muna"ani ate Linda
"Ate ang daya naman ni Lola parang si Lolo umalis ng walang paalam"hikbi ko
"Athena ayaw lang ni auntie na mag alala ka kaya nilihim niya ang sakit niya"
"Ate hindi ko pa din matanggap na wala na silang pareho iniwan na nila ako"
"Andito pa ako Athena" pag aalo nito.Tumagal ng ilang araw ang burol ni Lola sakto lang din na matatapos na ang sem break ko.
Ayaw ko man na bumalik pa doon pero ayon ang bilin ni Lola sa akin na kahit ano man ang mangyari pag igihin ko ang pag aaral ko.
Bumalik ako ng dorm ko na may mabigat na dinadala pero kailangan ko mag paka tatag para sa Lola at Lolo ko.
Hindi muna ako lumabas ng dorm ko nag lagi lang ako dito lumabas lang ako para bumili ng stock ko dito saka bumalik agad.
Mayroon pa akong dalawang araw bago mag umpisa ang klase ko.
Dumating ang araw ng klase ko pag pasok ko pa lang nakasalubong ko na agad sila napa hinga na lang ako ng malalim.
Dahil maaga pa at wala din ang unang klase ko ay nag lagi na lang ako ng library.
Balak ko mag apply ng student assistant para pandagdag din sa pang araw araw ko. Although may natatanggap naman akong allowance mula dito pero sayang din kasi kung hindi ako mag working student.
"Athena"tawag sa akin ng isa na naging kaibigan ko
"Ikaw pala Chloe"
"Uuwi ka na ba?"tanong nito
"Hindi pa may trabaho pa ako"sagot ko.
"Hindi ka pa napapagod sa ginagawa mo?"tanong nito
"Chloe kailangan kong buhayin ang sarili ko lalo na wala na si Lola"sabi ko.
"Oh my condolence"
"Sige mauna na ako bukas na lang mahuhuli na ako sa trabaho ko"paalam ko.Bukod kasi sa pagiging student assistant nag apply din ako sa isang fast food pang gabi ang trabaho ko.
Pag ka uwi ko ng dorm ko nag pahinga lang ako sandali saka nag palit ng damit sa Jollibee na lang ako mag papalit ng pang itaas ko.
Pagkarating ko ay agad akong nag punta sa locker ko para ilagay ang gamit ko at nag palit agad ng uniform ko.
Pag labas ko ay nag assist agad ako medyo madaming costumer ngayon kaya mabilisan ang galaw ang kilos namin.
Kumalma lang ng mga bandang alas nueve ng gabi.
"Athena mag break ka muna"ani ng manager
"Thank you po Sir"Agad akong nag break kasama ang iba habang nakain kami ay nakita ko sila Liam medyo kinabahan ako dahil wala naman mabuting ginawa sila sa akin.
"Well well well andito pala si nerd"sabi nito.
Tahimik lang akong tinapos ang kinakain ko nang matapos ako ay agad kong niligpit ang pinag kainan ko.
Pag tayo ko ng itatapon ko sa bin ay bigla akong tinalapid ni Liam na kinabagsak ko.
Agad naman akong inalalayan ng kasama ko.
"Athena ok ka lang?"alalang tanong nito.
"Ayos lang ako salamat Bryan"
"Anong nangyari dito?"tanong ni manager
"Sir wala po"sagot koAgad akong nag punta sa locker room at doon ko na lang inubos ang oras ko.
Natapos ang trabaho ko agad kong kinuha ang gamit ko at nag paalam sa kanila.
Pero pag labas ko andoon pa din ang grupo nila Liam kaya agad akong umiwas sa kanila.
Akala ko naka hinga na ako ng maluwag hindi pa din dahil hinarang ako ng mga ito.
At pinag hahagis sa akin ang mga inumin nila.
Awang awa ako sa sarili ko kailan ba nila ako tatantanan pagod na pagod na ako emotionally at physically.
Gusto ko ng sumuko pero hindi ko magawa dahil nangako ako sa puntod nila Lolo at Lola na pag iigihin ko ang pag aaral ko ano man ang mangyari.
Nag lakad na lang ako pauwi dahil nakakahiya kung sasakay ako ng jeep basang basa ang damit ko at nanlalagkit din ako gawa ng soft drink na ininum nila.
Mag ala una ng makarating ako sa dorm ko agad akong naligo agad ako dahil basa ang buhok ay inantay ko na lang na matuyo ang buhok ko.
Nag papasalamat ako ng hapon pa ang sunod na pasok ko.
Kaya habang inaantay ko matuyo ay nag review na lang ako.
YOU ARE READING
My Nerd is My Ex (COMPLETE)
RomanceAthena Olivia Hernandez laging binubully mula grade school hanggang mag kolehiyo dahil sa appearance nito na kung tawagin sya ay Nerd dahil sa makapal na salamin nito sa mata. Liam Chester Geronimo kilalang Casanova ito dahil sa kanyang papalit pa...