Apat na araw lang na confined si Ethan at ito ang labas niya ng ospital masaya ito na makaka uwi na daw sya.
Habang inaayos ko ang gamit namin dito ay pumasok si Doc Patrick.
"Excited ka na ba umuwi Ethan?"tanong nito
"Opo gusto ko na po pumasok e"sagot nito.
"Wow very good naman pala e galingan mo sa school ha"bilin nito.
"Opo para po kay Mama"bibong sagot nito at ginulo nito ang buhok ni Ethan.
"Una na ako"paalam nitoMatapos bayaran ang bill namin ay tinulungan ako ng isang nurse sa ibang gamit namin, hindi ko na kasi pinapunta pa si Janice dito.
"Thank you nurse Leigh dito na lang"
"Sigurado po kayo?"
"Oo mag papa book na lang ako ng grab"
"Sige po"Nasa waiting shed kami ni Ethan buti na lang may dumating na taxi na nag baba ng pasahero agad ko na tinawag ito.
Akmang lalapit na kami ay biglang dumating si Liam.
"Pwede ba na ako na mag hatid sa inyo?"
"Thank you Liam saka andito na yung taxi"
"Mama sakay na po tayo"ani Ethan
"Sige Liam una na kami"paalam koNakita ko ang lungkot sa mga mata nito.
Agad kong pinasok ang gamit ni Ethan at sa huling sandali ay sinulyapan ko ito.
"Mama pwede na po ako pasok sa school?"tanong nito
"Oo naman anak pwede ka ng pumasok uli bakit namimiss mo na mga classmate mo?"
"Opo Mama"
"Kaya pag dating natin sa bahay mag pahinga ka muna wag ka muna mag lalaro ha para maka pasok ka agad sa school"sabi ko
"Opo Mama"Pagkarating namin sa bahay ay nagulat kami sa bumungad sa amin.
"Surprised"sigaw nila
"Wow" ani Ethan agad na lumapit si Benedict dito."Nag abala pa kayo"sabi ko
"Hindi na kasi kami naka daan ng hospital e"ani Patricia
"So let's eat" sigaw ni LawrenceAgad kami nag tungo sa dinning at nakita ko na sobrang dami ng dinala nila na food.
Masaya kaming nag salo at maganang kumain si Ethan dahil lahat ay paborito nito ang niluto.
"Thank you nong nong and nang nang" at pinag hahalikan nito ang dalawa.
"Your welcome Ethan"
After kumain hinayaan ko na mag laro sila Ethan kami naman nila Patricia ay nainom ng tea habang masayang nakatingin sa mga bata.
"Athena sabi ni Kuya Patrick nag punta daw si Liam!"
"Oo pag ka alis mo pumunta sya"
"So anong nangyari?"
"Nag sorry sya kay Ethan"
"And?"
"Nagulat na lang ako sa binitiwan na salita ni Ethan kay Liam, hindi ko naman masisi anak ko lumaki sya na kami lang dalawa saka after 2 years saka lang sya uli nag pakita kay Ethan"sabi ko."Athena hayaan natin si Liam consequence yan sa ginawa niya hindi ko ito tolerate ang ginawa niya dahil sa totoo lang hindi ko na kilala ang pinsan ko na yon"
Gabi na sila naka uwi sila Patricia at tulog na ang dalawa dahil sa kakalaro ng mga ito.
Bumalik na ako sa trabaho si Ethan naman ay excited na maka pasok muli.
Kasalukuyan akong nasa site at malapit na din ito matapos.
Inaayos ko na ang mga gamit ko ng pumasok si Mr. Monterde.
"Athena thank you sa pag tutok mo sa property ko"
"Your welcome po Sir."
"So pauwi ka na ba?"
"Sir dadaan pa po ako ng opisina"
"Ah ganun ba sige pahatid na kita"
"Ay hindi na po Sir paparating na din naman po ang service ng company thank you po"
"Ah ganoon ba sige mag ingat ka"
"Thank you po Sir una na po ako"Pag karating ko ng company ay nagulat ako ng lumabas si Liam.
Nag tuloy tuloy na lang ako ng pasok at nagulat ako ng hawakan nito ang braso ko.
"May kailangan ka?"tanong ko.
"Pwede ko ba makita si Ethan?"
"Alam mo Liam walang problema sa'kin na makita mo si Ethan dahil may karapatan ka sa anak ko pero yung paasahin mo ang anak ko wag na lang Liam ok lang na ako yung saktan mo wag lang ang anak ko"sabi ko.Unti unting dumausdos ang kamay nito.
"Your right Athena dahil umpisa pa lang malaki na ang kasalanan ko sayo pero sana hayaan mo naman ako na bumawi sa inyo"
"Liam hindi na sakin dahil wala namang tayo umpisa pa lang kay Ethan ka bumawi" sabi ko at tinalikuran ko na ito.
Nakakasawa na sya bigyan ng chance hindi ako ang nasasaktan kundi ang anak ko na umaasa sa kanya.
Umalis din ako agad at dumeretso ng uwi.
Naabutan ko ang anak ko na nag aaral pag ka kita sa akin ay agad itong tumakbo sa akin.
"Mama"
"Anak may pasalubong si Mama"
"Talaga po Mama"
"Your favorite anak tapusin mo muna yan para maka pag dinner na tayo"
"Opo Mama"Agad ako pumasok sa kwarto at nag palit ng pambahay saka dumeretso ng kusina.
"Ate andito na po pala kayo"
"Naka luto ka na pala"
"Opo Ate gusto daw po ni Ethan ng sinigang at prito"
"Ah ganon ba, matatapos na ba yan?"
"Opo Ate"
"Sige ako na ang mag hahanda ng lamesa"Masaya at maganang kumain ang anak ko.
"Mama tapos na po ako san po yung bili niyo po Mama?"
"San dali kukunin ko ikaw talaga"Agad kong kinuha sa ref ang chocolate brownies na paborito nito.
"Ito na anak hinay hinay ha"
"Wow thank you Mama"
"Your welcome anak kainin mo na yan then after niyan drink ka ng maraming water ha"
"Opo Mama"Dahil walang pasok kinabukasan ay nag bonding kaming tatlo nag movie marathon kami.
Nag luto ako ng fries at popcorn at tuwang tuwa naman ang anak ko.
"Mama thank you"
"Thank you saan anak?"
"Thank you sa lahat Mama kasi lagi ka andyan"
"Syempre ikaw talaga" pisil ko sa ilong nito " may gusto ka siguro kaya nag lalambing kay Mama"Sabay tawa nito.
"Ate sabi kasi ni Ethan kanina gusto daw niya mag swimming kaya ganyan yan" natawang sabi nito.
"Kaya pala e" natawang sabi ko.
"Mama pwede po tayo swimming?"
"Oo naman ikaw pa ba malakas ka sakin e".
"Talaga Mama?"
"Oo kelan mo ba gusto?"
"Bukas Mama"
"E di matulog na tayo kung ganoon"
"Yehey thank you Mama i love you"
"Love you too Ethan sya mag linis ka ng katawan tapos mag toothbrush kana"
"Opo Mama""Saan kaya tayo bukas Janice?"
"Hahaha ate wala ko alam dito sa maynila"
"Sige tingin na lang ako sa online so tara na dahil maaga pa tayo bukas"Kinabukasan ay maaga kaming nagising specially Ethan dahil excited na mag swimming.
Sakay ang bus papunta ng splash island dahil ito lang ang may malapit na water park.
Naka kuha ako ng cottage na tanaw ang anak ko na masayang naliligo kasama si Janice.
Agad ako umorder ng pag kain dahil alam ko pag ka tapos nito ay gutom ang mga ito.
YOU ARE READING
My Nerd is My Ex (COMPLETE)
RomanceAthena Olivia Hernandez laging binubully mula grade school hanggang mag kolehiyo dahil sa appearance nito na kung tawagin sya ay Nerd dahil sa makapal na salamin nito sa mata. Liam Chester Geronimo kilalang Casanova ito dahil sa kanyang papalit pa...