Mabilis lang lumipas ang araw at balik school na din si Ethan, kasalukuyan na nasa meeting ako sa bagong client kasama ko ang ilang engineer.
"Thank you Architect Hernandez & Engineer's"ani Mr. Anderson.
"Thank you Mr. Anderson nagustuhan niyo ang proyekto namin"sagot ko.
Sakay ng company van sabay sabay na kaming bumalik sa company.
Pag baba ko agad akong inalalay ni engineer De vera.
"Thank you Bryle"
"Let's go mag snack na tayo it's my treat""Yon G ako dyan sa libre"ani Louis isa sa engineer na kasama namin.
"Basta talaga libre"ani Joseph
"Sus aminin mo gusto mo din yon"sabi pa nitoKaya napailing na lang ako sa dalawa.
"Tara na nga bago pa mag bago isip ko"ani Bryle.
Pumasok kami sa restaurant na tapat lang ng company.
Agad akong inalalay ni Bryle at panay ang kantiyaw ng dalawa sa amin.
Agad kaming umorder ng meryenda namin nag antay lang kami ng ilang minutes.
Masaya kaming nag meryenda na apat at pinag uusapan sa bagong project naming apat.
Napahinto lang ako ng pumasok si Liam at dumapo agad ang tingin sa akin pero inignore ko na lang ito.
Hanggang sa matapos kaming kumain ay nakita ko na naka sunod ang mata nito sa akin o namamalikmata lang ako.
Lumabas kami ng hindi ko ito tinapunan pa ng tingin.
Agad na bumalik kami sa opisina sa aming kanya kanyang table at umpisahan ang dapat na umpisahan.
Hindi ko namalayan ang oras kung hindi pa lumapit si Bryle sa akin.
"Tama na yan Athena"
"Hindi ko na namalayan ang oras"Agad kong niligpit ang gamit ko na dadalhin ko pauwi ng bahay.
Agad na kinuha ni Bryle ang ilang bitbit ko. Hindi nanaman bago yun dahil laging ganun ang ginagawa ni Bryle.
Gaya ko single parent din ito at matagal ng hiwalay sa dating girlfriend nito pero ang anak ay nasa kanya minsan.
Pag labas namin ay muli kong nakita si Liam sa labas gaya ng una ay hindi ko na ito tinapunan pa ng tingin.
Nag presinta si Bryle na ihatid na ako pero sabi hindi na kailangan dahil nag pa book na ako ng grab at sinabi ko any minute ay paparating na din.
Kaya nauna itong umalis ako naman ay inaantay ko yung grab.
Habang wala pa ay pinatong ko muna sa table ng guard ang gamit ko para ayusin ito hanggang sa lumapit si Liam sa akin.
"Athena can we talk?"
"Anong pag uusapan natin?"
"Pwede ko bang makita at makasama si Ethan""Liam hindi kita aalisan ng karapatan kay Ethan pero sana wag mong paasahin ang bata na mag papakita ka lang kung kelan mo gusto, Liam hindi laruan ang anak ko na pag gusto mo lang makita at makasama sana maiisip mo din yung mararamdaman ng bata"
"Athena alam ko may kasalanan ako pero sana bigyan mo ako ng chance"
"Chance ba Liam ilang chance na ang binigay sayo pero binabalewala mo lang"
"Last chance"
"Wag kang humingi ng isa pang chance kung hindi mo kaya" sabi ko at agad na umalis ako.Nakaka sawa syang bigyan ng chance ayaw ko na masaktan pa ang anak ko.
Pag dating ko ng bahay ay agad na tumakbo sa akin ang anak ko.
"Mama tagal tagal mo naman po dating"
"Sorry na anak hindi namalayan ni Mama yung oras e pero may pasalubong si Mama sayo" agad kong inabot ang paborito nitong sans rival na binili ko sa bakeshop."Wow thank you Mama"
"Later na lang yan anak ha kain muna tayo ng dinner saka mo kainin yang dessert mo"
"Opo Mama"
"Ligpit mo na yang toys mo mag papalit lang si Mama tapos kakain na tayo"
"Opo Mama"Agad akong nag palit ng pambahay at sabay na kami ni Ethan nag punta ng hapag.
Magana itong kumain dahil paborito nito ang sinigang.
After ng dinner namin ay gaya ng nakagawian dahil weekend kinabukasan ay nag movie marathon kaming tatlo saka namin kinain ang dessert na dala ko kanina.
Kinabukasan ay maaga akong umalis dahil sabay sabay na kaming pupunta ng site nag bilin na lang ako kay Janice na sya na muna ang bahala kay Ethan.
Pag dating ko ng opisina ay laking gulat ko na andoon si Liam.
Nilagpasan ko na lang ito, iwas gulo na din.
Agad akong pumasok sa elevator akmang iclose ko na ay humabol ito kasabay si Bryle.
"Good morning Athena"
"Morning Bryle"Namayani ang katahimikan sa aming tatlo hanggang sa dumating na sa floor kung saan ang table namin.
"Athena in 30mins aalis na tayo"ani Bryle
"Ok may kukunin lang ako then sunod na lang ako"sagot ko.Tumuloy ako sa table ko para kunin ang gamit ko pag ka kuha ko ay nagulat ako na nasa harap ko si Liam.
"Bakit pa pasulpot sulpot ka"galit na tanong ko
"Sorry kung nagulat kita"
"Ano bang kailangan mo?"
"Ikaw kailangan ko"
"Ano nanamang laro to Liam"
"Please Athena isa pang chance hayaan mo akong makabawi sa inyo ni Ethan"
"Alam mo Liam hindi sinasabi yan ginagawa yan" sabi ko at umalis na ako pero sadyang makulit si Liam."Ok gagawin ko para ma win ko kayo ni Ethan"
"Liam hindi mo na kailangan na win ako kay Ethan bka bumawi"
"Hindi ako titigil Athena makuha ko lang tiwala mo at mabuo tayo na pamilya""Liam walang pamilya na mabubuo dahil kahit kailan hindi naman naging tayo dahil isa lang namang pustahan ang lahat"
"At pinag sisihan ko yun Athena please naman"
"Kay Ethan ka bumawi" at tinalikuran ko na ito.Agad akong pumasok sa elevator pag labas ko ay syang pasok ni Patricia.
"Good morning Athena"
"Parang hindi maganda morning ko"
"Why what happen?"
"Later sabihin ko ma late na kami kanina pa ako inaantay ni Bryle"
"Ok pero mukang alam ko na"Sabay kaming tumingin ni Patricia ng bumukas ang elevator at niluwa si Liam.
"I have to go later na lang"paalam ko.
*Liam*
"Good morning Ate"
"Morning bakit ang aga mo?"
"Kinausap ko lang si Athena Ate Pat"
"Doon tayo sa office"Agad kaming pumasok ng elevator pag ka dating sa office nito ay nag bilin ito sa secretary nito na mag dala ng coffee.
"So anong kailangan mo kay Athena?"
"To be honest Ate gusto kong bumawi sa kanila""Tama ba ang nadinig ko gusto mong bumawi?" Tumango ako " Liam hindi sinasabi yan ginagawa yan kung talagang gusto mong bumawi dapat noon pa Liam, wag mo naman paasahin sila lalo na si Ethan isipin mo na lang yung feeling ng bata Liam"
"I know Ate kaya nga gusto kong bumawi sa kanila"
"Liam kung gusto mong bumawi at buoin ang pamilya niyo kailangan mong mamili"
"Ate Pat nakipag hiwalay na ako kay Atasha at gusto kong bumawi sa mag ina ko sana matulungan mo ako Ate Pat"
"Liam one chance na lang pag nasaktan pa sila Athena at Ethan kakalimutan ko na pinsan kita"
"I promise Ate""Ok I'll help you gagawin ko ito hindi para sayo kundi para kay Ethan"
"Thank you ate"Nag tagal pa ako sa office ni ate Pat at pinag usapan namin ang gagawin para makasama ko ang mag ina ko.
Gagawin ko ang lahat mabuo lang tayo.
YOU ARE READING
My Nerd is My Ex (COMPLETE)
RomanceAthena Olivia Hernandez laging binubully mula grade school hanggang mag kolehiyo dahil sa appearance nito na kung tawagin sya ay Nerd dahil sa makapal na salamin nito sa mata. Liam Chester Geronimo kilalang Casanova ito dahil sa kanyang papalit pa...