17

111 7 0
                                    

Nang lumapit si Liam ay iniwan ko sya sa parents nito agad kong nilapitan ang anak kong masayang nag swimming kasama ang mga pinsan.

Katabi ko si Patricia na kandong si baby Denice.

"So how's the talk?"
"Ok naman"
"Alam mo bang kinausap ako ni Liam sa office"ani Patricia
"Bakit daw?"
"Humingi ng tulong para makalapit at maka bawi sa inyo ni Ethan"

"Nag ka usap nga kami isa pa daw chance, nakaka sawa syang bigyan ng chance Patricia umaasa si Ethan na lagi niyang makakasama si Liam ilang beses nag tanong sa akin ang anak ko kung kelan daw ba pupunta ang Daddy niya kelan daw ba niya makikita Daddy niya minsan hindi ko na alam ang isasagot ko sa anak ko dahil hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya, alam ko nangungulila sya sa isang ama, alam ko naiinggit si Ethan pag nakikita niya si Benedict na kasama si Lawrence o sa bawat classmate na sinusundo ng Daddy nila, Patricia kaya kong kainin ang pride ko maging masaya lang ang anak ko kaso lalong nasasaktan ang anak ko kasi umaasa sya na lagi niyang makakasama si Liam"

"Athena alam ko nasasaktan ka para sa anak niyo, alam ko lahat ng hirap at sacrifice mo maitaguyod mo lang ng ayos si Ethan, ngayon hayaan nating si Liam ang gumawa ng move kung talagang gusto niya na mabuo kayo na pamilya kailangan niyang mag pay the price"

"Ayan din ang sabi ng parents niya"
"Pasasaan ba na mabubuo din ang pamilya niyo"
"Patricia yung makita ko lang na masaya ang anak ko na kasama sya ayos na sa'kin, pero yung pamilya na sinasabi mo malabo yan"
"Malay mo"
"Ako na nag sasabi sayo, saka ayaw ko masira sila ni Atasha at kami nanaman ang balingan alam mo naman ugali niya si Ethan nga hindi naka ligtas sa kanya"

"Ayan ang hindi na ako makakapapayag tama na yung isang beses na nasaktan niya ang inaanak ko"

"Ewan ko ba ang bait naman ni Mr. Monterde bakit hindi niya nakuha yung ugali sabi mo nga mabait din ang asawa sumablay kay Atasha"

"Paanong makukuha ang ugali e hindi naman tunay na Monterde si Atasha at alam niya yun"

"Seryoso?"

"Oo pitong taon ng mapunta sya kela Tito kaedan kasi yon ng anak nilang si Via yung anak ni Tito na nawala"

"Talaga bang hindi na nakita nila ang anak nila?"
"Kahit ilang taon ng nakalipas hindi nila nakalimutan ang anak nila  si Via kasi ang bunso nila Tito"

Nakaramdam ako ng lungkot dahil alam ko ang feeling ng nawalan.

"Alam mo ba Patricia na limang taon ako ng makita ako nila Lolo at Lola"

"Ano?"
"Nang makita nila ako kinabukasan ay dinala nila ako sa police station para i report kung  may batang hinahanap ba ng pamilya nila, habang wala pa din nag claim sa'kin inalagaan ako muna nila Lola hanggang sa kinuha ako ng dswd at dinala pansalamantala sa bahay ampunan doon ako laging binibisita nila Lolo hanggang sa napag pasyahan na ampunin na lang ako"

"Ni minsan ba ninais mo na makilala ang mga parents mo?"

"Sino ba naman anak ang hindi nag hangad ng ganun kaso walang naging lead ang mga pulis kung may nag hahanap ng nawawalang bata hanggang sumuko na lang sila Lolo"

"Your lucky dahil sa mga taong nag aruga at nag pa laki sayo"

"I know kaya lang nag sisi ako dahil hindi ko man lang napunuan yung lahat ng pag aaruga at pag papalaki sa'kin dahil bago ako maka tapos wala na sila, kaya kay Ethan ko lahat binuhos anh hindi ko naibigay sa mga Lolo ko"

"Ano ba yan naiiyak na ako"
Sabay kaming natawa saka namin binaling sa mga bata na masayang nag lalaro.

"Lunch is ready"sigaw ni Lawrence.

"Enough na yan"ani Patricia

Agad kong hinanda ang towel ni Ethan pag ka ahon nito.

"Anak tignan mo kamay mo"
"Mama later po swim uli kami ni Benedict?"
"Later anak"

Nasa isang long table ang mga food na hinanda ni Lawrence.

Matapos kong bihisan si Ethan akmang kukuha na ako ng food namin ng makasalubong ko si Liam.

"Kinuhaan ko na kayo ng food niyo"
"Thank you"

Sabay na kaming nag punta ng table kung saan andon ang parents nito.

"Anak later na yan" sita ko nag lalaro kasi ito sa ipad.

"Mama after po mag eat pwede na po ako mag play sa ipad?"
"Oo nanaman pero eat muna ha"
"Ok po Mama"

Tahimik lang kami na nakain maging si Liam ang nadidinig lang ang masayang kwentohan nila.

"Ahm may gusto pa ba kayo ikukuha ko kayo"ani Liam
"Enough na to salamat"

Alam ko at ramdam ko na gusto nitong makasama ang anak pero ilag si Ethan dito dahil na din hindi na sanay si Ethan sa presensya ni Liam.

After mag lunch ay nag rest muna kami, kasalukuyan na nasa entertainment room kami kasama ang ang lahat.

Si Ethan ay masayang nakikipag usap sa parents ni Liam, masaya ako dahil tanggap nila ang anak ko.

"Ahm Athena pwede ba tayo mag usap?"
"Tungkol saan?"

Agad ako nitong hinila palabas ng entertainment room nakita ko na naka sunod ang lahat sa amin ni Liam.

"Ano ang gusto mong pag usapan?"tanong ko agad.

"First i really really sorry sa lahat mula umpisa hanggang sa ngayon sorry sa lahat ng nagawa ko sayo maging sa anak natin, God knows kung gaano ko kayo gustong makasama at maka bawi sa lahat ng pag kukulang ko pero lagi na lang ako nag fail I'm so sorry Athena sana hayaan mo akong mapunuan ang lahat ng pag kukulang ko lalo na kay Ethan"

"Liam matagal na kitang pinatawad sa lahat ng ginawa mo since day one na nag kita tayo hanggang sa ngayon dahil hindi ako yung tipo ng tao na nag tatanim ng galit sa puso, ok nasaktan ako dahil akala ko totoo ka pero after ng makuha mo na ang gusto mo para na lang akong isang basura na tinapon mo sa isang tabi, alam mo ba ang impact sa akin sobra ang baba na nang tingin ko sa sarili ko, pero nang nalaman ko na buntis ako kay Ethan sobra ang saya ko yung lahat ng galit ko sayo nag laho lalo ng dumating sa buhay ko si Ethan"

"Athena I'm sorry sa lahat ng pain na bingay ko sayo, sana hayaan mo akong mapasok muli sa puso mo"

"I forgive you Liam gaya ng sabi ko sayo kay Ethan ka bumawi mabait na bata si Ethan alam ko hindi ka mahihirap na kunin muli ang loob niya"

"Thank you Athena"
"Liam last chance sana this time ibibigay ko ang gusto mo na chance pero sana wag mo nang sayangin pa"
"Thank you Athena thank you so much" nagulat ako ng yakapin ako nito.

"L-liam"
"Thank you Athena hindi ka magsisisi sa chance na binigay mo sa'kin"

Nang matapos naming mag usap ay bumalik na kami sa loob pag pasok namin ay.

"Ok na kayo?"ani Patricia
Tumango lang ako sa kanila.

"Finally Liam wag mong sayangin ang chance na binigay sayo dahil pag binaliwala mo pa yan hindi na kita tutulungan pa"ani Patricia

"Yes Ate Pat"

"Mama saan ka po nag punta?"
"Anak nag usap lang kami ng Daddy mo"
"Wala naman ako Daddy Mama saka hindi ko po Daddy yan"

"Ethan"
"Sorry Mama sasabi lang po ako"
"Say sorry anak"
"Sorry po"nakita ko na nanligid ang luha sa mga mata nito.

Agad na lumapit si Liam dito. "Sorry Ethan this time babawi na si Daddy lagi na ako sa tabi mo"

"Totoo po promise?"
"Promise ni Daddy"
"Ok po basta hindi kana aalis ng matagal ha"
"Promise ni Daddy"

Agad na yumakap si Ethan kay Liam nakita ko naman ang pag yugyog ng balikat nito. Maging ang lahat nang nandito sa loob makikita mo ang saya sa mga mata nila.

Wala ng sasaya pa ng makita ko ang saya sa muka ni Liam at Ethan.


My Nerd is My Ex (COMPLETE)Where stories live. Discover now