Masayang naliligo ang mga bata maging ang anak ko na nakikipag laro sa mga pinsan niya.
"Athena ang sarap ng tawa ng inaanak ko"ani Patricia
"Oo nga e ngayon ko lang din sya nakita an ganyan kasaya"
"Sana lang totoong gusto bumawi ni Liam kasi kahit pinsan ko yan pag nakita ko na sinaktan muli kayo hindi ko na sya mapapatawad pa"."Natatakot din ako aminin ko"
"Basta andito lang kami ni Lawrence family tayo"
"Thank you from the start andyan kayo para sa amin ni Ethan kahit hindi pa natin parehas na alam na pinsan mo si Liam".Madami pa kaming pinag kwentohan ni Patricia hanggang sa lumapit si Lawrence sa amin.
"Sweetheart naka ready na ang snack"
"Ok tawagin mo na sila"Agad na lumapit si Liam at Ethan agad ko naman pinunasan at binalutan ng towel para hindi lamigin.
"Here" abot ko kay Liam ng towel.
"Thank you"
"Daddy later swimming po uli tayo?"tanong ni Ethan
"Tomorrow na lang kiddo malamig na"
"Sige po"Sabay sabay kaming nag meryenda after noon ay pinaliguan ko na si Ethan.
Matapos non ay agad na lumapit ito kay Benedict agad na nag laro ang dalawa.
One week din kami na stay sa rest house nila Patricia at ito ang araw ng balik namin ng manila.
"Ate convoy na lang tayo" ani Liam
"Ok drive safely Liam"
" I will Ate, let's go"aya nitoHabang nasa byahe naka tulog na si Ethan.
"Dinner muna tayo"ani Liam
"Sa bahay na lang nag pa luto ako kay Janice ng dinner"sabi ko hindi kasi sumama si Janice sa amin.Kaya dumeretso na kami ng bahay si Ethan ay tulog pa din kaya hinatid ito ni Liam sa kwarto at agad na lumabas .
"Let's eat"
"Si Ethan hindi na nakakain"
"Bukas na ang gising niyan"sabi ko.Habang nag dinner kami ay tumunog ang cellphone nito at agad na nag excuse.
"Ate pwede ba ako mag paalam?"
"Paalam saan?"
"Kailangan ko po kasi umuwi pero babalik naman po ako may sakit lang si nanay"
"Wala naman problema sige kailan mo balak umuwi?"
"Bukas po sana pero pag ayos na po si nanay babalik na din po agad ako"
"Ok lang naman na mag tagal ka bakasyon naman si Ethan so no worries"
"Salamat Ate"
"Hindi ka na iba sa amin ni Ethan alam mo yan"
"Thank you Ate"Hanggang sa bumalik uli si Liam sa table.
After ng dinner ay umalis na din ito, ako naman ay nag hahanda na para matulog ng tumunog ang cellphone ko.
"Hello" sagot ko pero walang nag sasalita " kung wala kang magawa sa buhay lubayan mo ako" hanggang sa nakarinig ako ng ungol.
"Faster babe" agad kong binaba ang tawag at alam kong si Atasha yon.
Nakaramdam ako ng kirot na dapat hindi ko maramdaman pero mas may isasakit papala ng mag send ito ng video habang nag sex sila ni Liam.
Hindi ko alam kung anong motibo bakit kailangan pang isend ang pag tatalik nila.
Agad ko pinatay ang cellphone ko at tinabihan ang anak ko na natutulog.
Kinabukasan ay maaga akong nagising wala na si Janice dahil maaga itong umalis pauwi ng probinsya nito.
Nag handa agad ako ng agahan namin dahil kailangan kong pumasok sa trabaho. Hindi na naman bago na sinasama ko si Ethan.
Patapos na ako ng pumasok ng kitchen si Ethan.
"Good morning nak"
"Good morning Mama"
"Upo kana dyan"
"Mama si Ate po?"
"Umalis si Ate kaya sama ka muna kay Mama ha"
"Ok po Mama"Magana itong kumain nang matapos ay agad kong niligpit ang pinag kainan namin at sabay na kami naligo ni Ethan.
"Mama andoon po kaya si Daddy sa office niyo ni Nang nang ko"
"Anak hindi alam ni Mama"Nakita ko ang lungkot sa mga mata nito.
Ang hirap ng sitwasyon namin kung sa akin ok lang na maka sama at makita ni Ethan si Liam kaso natatakot ako na masaktan ang anak ko.
Nang makarating ng office ay agad kong inupo si Ethan at agad na nilabas nito ang laruan niya.
Sa loob ng isang linggo ganon ang routine namin ni Ethan isasama ko sa trabaho o kaya naman na kela Patricia na bahay nakikipag laro sa mga pinsan niya.
"Mama uuwi na po tayo?"tanong nito
"Oo nak baka gabihin tayo paalam kana"
"Dito na kayo mag dinner"ani Patricia
"Hindi na salamat sa bahay na lang saka tumawag na sakin si Janice naka uwi na daw sya sa bahay"sabi ko."Athena may problema ba? Pansin ko iwas ka e"
"Sorry"
"Sorry saan"
"Pwede doon tayo sa garden"Kaya nag punta agad kami ng garden, hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba.
"Speak up"
"Natandaan mo nung umuwi tayo galing resthouse" tumango ito " nung gabing yun may tumawag sa akin unknown number tapos after ilang minutes may nag send sa akin nito" sabay pakita ng sex video nila Liam at Atasha"Patricia hindi ko alam bakit pa kailangan na mag send sa akin ng ganyang video para ano masaktan ako ok nasasaktan ako dahil hindi pa din sila nag babago laruan pa din ang tingin nila sa akin."
"Athena kakausapin ko ang pinsan ko sa totoo lang galit na galit ako"
"Patricia kaya ayaw kong sabihin sayo dahil alam ko magagalit ka ayos lang naman ako kami ni Ethan"
"Kelan last na nag punta si Liam?"
"Last na yung hinatid niya kami ni Ethan""Hindi ba nag tatanong si Ethan?"
"Isang beses nag tanong kung nasa office din daw ba si Liam"
"Napaka gago talaga niya pati sariling anak pinag lalaruan niya""Hayaan na lang natin sanay nanaman si Ethan na wala ang presensya ni Liam"
"Mama nag paalam na po ako kay Benedict pati kela Kuya Elijah at Ate Natalia give niya po kami ni Benedict ng puzzle"
"Nag thank you kaba kay Ate anak"
"Opo Mama"
"Paano una na kami"
"Bye bye nang nang"
"Bye pumpkin"
"Una na kami thank you uli"Hinatid kami ni Patricia papalabas na kami ng gate ng may huminto na sasakyan at lumabas si Liam.
Sakto na din na nasa labas na ang grab na pinabook ko.
"Una na kami Patricia"
"Hatid ko na kayo"ani Liam
"No thank you andito na din yung grab anak paalam kana""Bye nang nang i love you"
"Bye Ethan love you too baby"Kay Patricia lang ito nag paalam at hindi na tinapunan pa ng tingin ang ama nito.
Matalino ang anak ko kahit hindi ako mag sabi o mag salita alam niya ang nang yayari sa palingid.
Agad kaming sumakay nang hindi na nilingon pa si Liam, pero ramdam ko ang tingin nito sa amin.
Hanggang sa naka alis na ang sinasakyan namin.
"Mama ok ka lang po ba?"
"Oo naman bakit mo natanong anak?"
"Wala po Mama" sagot nito " Mama ok lang po kahit bihira lang punta si Daddy basta kasama kita lagi Mama""Sorry anak ha"
"Mama wala ka naman po kasalanan e alam ko naman po na hindi tayo pipiliin ni Daddy ayos lang po Mama andyan ka naman pati sila Nang nang at Nong nong"Pinipigilan kong wag bumagsak ang luha ko pero hindi ko na napigilin pa.
Masakit dahil nangungulila ang anak ko kay Liam pero wala naman ako magagawa kundi ang punuan ang lahat ng pag kukulang ni Liam para kay Ethan.
YOU ARE READING
My Nerd is My Ex (COMPLETE)
Storie d'amoreAthena Olivia Hernandez laging binubully mula grade school hanggang mag kolehiyo dahil sa appearance nito na kung tawagin sya ay Nerd dahil sa makapal na salamin nito sa mata. Liam Chester Geronimo kilalang Casanova ito dahil sa kanyang papalit pa...