CHAPTER 38 – THE REMOTE
“You sleep on the sofa right there while I sleep here on bed.” Sabi ko kay Cloud. Kahit pa basang-basa ako ehh humiga na agad ako sa kama. Malay mo unahan pa ako, diba? Bwahahaha!
“What!?”
“Ang sabi ko—“
“Pwede naman tayong magtabi ah???” Naaasar na sabi niya. Kung nagtataka kayo kung bakit kami nagtatalo, ehh wala ehh, no choice na kami kung hindi ang mag-stay na lang dito sa motel. Eto na lang kasi ang may free room, malas lang namin na isa na lang rin yung vacant. I suggested na bumalik doon sa hotel na nauna naming napuntahan, pero ang sabi ni Cloud ehh malayo na daw yun at baka pagbalik namin ehh occupied na pala yung room. Hindi na ako nag-insist pa kasi halatang naiirita na rin siya sa kaartehan ko. Umf.
“Anong magtabi!? Ayoko nga!” Singhal ko. Binalot ko yung sarili ko sa kumot dahil sa sobrang ginaw. “At tsaka, hindi tayo kasya no! Single bed lang kaya ‘to!” Ehh totoo naman kasi, yung pinakamaliit na room pa nga ang nakuha namin kasi eto na lang talaga yung hindi nao-occupy. Okay na rin ito kesa naman matulog kami sa kotse nang basa, di’ba?
“Pwede namang patagilid ah! Hindi ako kakasya sa sofa. Tignan mo, kalahati lang ng katawan ko kasya dito eh.” At nag-try nga siyang humiga doon sa sofa, at sa laki ng katawan niya, ayun, hindi nga naman siya kasya. Psh.
“Edi umupo ka na lang...” Sabi ko sabay tayo. Paano ba’to? Paano ako maghuhubad ehh nandyan siya? Hindi naman pwedeng patuyuin ko yung damit ko habang suot ko? Magkakasakit kami nito eh.
“Tsk.” Tanging nasabi niya habang umiiling-iling.
“Tumalikod ka, maghuhubad ako.” Sabi ko.
“What if don’t want to?” Seryosong sabi niya.
“Just do it! I’m freezing cold!” Sigaw ko sa kanya. Jusko, mapuputol na ata vocal cords ko kakasigaw ngayong araw ah. Tsk.
“Fine! Maghuhubad din ako, kaya tumalikod ka!” Sigaw rin niya.
“Fine!” At yun nga, naghubad na ako habang nakatalikod rin sa kanya. To make sure, nag-cover ako ng kumot para kahit humarap siya, wala siyang makikita. Balak ko ehh itira na yung underwear ko, kaso basa rin kaya hinubad ko na. For short, underneath this single layer of blanket is my naked body.
Humiga na ulit ako sa kama without looking at Cloud. Ilang minuto rin siguro iyon, pero tila hindi ako dalawin ng antok. Kaya naman ehh nag-decide akong manuod muna ng TV. May isang maliit na TV sa paanan ko kaya naman madali ko lang nabuksan iyon nang hindi tumitingin kay Cloud, but nonetheless, I could still see him on my peripheral vision. Mukhang tulog na siya kasi hindi naman siya nagalaw. Is he all right? Is he cold? Or hungry? And what do you fvckin care, rain!? I decided to focus my attention on the TV. Medyo nagutom na rin ako kaya kinuha ko na rin sa bag yung free snacks na binigay ng motel agent sa amin kanina.
“Cloud, do you want some?” Alok ko sa kanya, still not looking at him. Hindi naman siya sumagot kaya ako na lang yung kumain. Siguro ehh nakatulog na siya sa sobrang pagod. Afterall, siya ang nagda-drive and--- ano ba, Rain! Wag mo nga siya isipin! Manuod ka na lang! Ehh kasi ba naman, ang pangit ng palabas! Kaya naman ehh kinuha ko ulit yung remote at inilipat sa ibang channels. Patuloy lang ako sa paglilipat ng channel hanggang sa makarating ako sa dulo. Actually, wala doon yung atensyon ko dahil iniisip ko pa rin lahat ng nangyayari sa amin ngayong araw hanggang sa...
“I have no idea that you’re watching porn.”
Halos batuhin ko na yung TV para lang mamatay na agad. Wala akong idea na yun na pala yung palabas! I swear to God na hindi ako nanunuod non!!! Uwaaaaah!!! Akala ko tulog na si Cloud ehh!!! Where’s the fvckin remote!? Dito ko lang sa kama nilagay yun ahh! Nasaan na ba yun!!! Baka natabunan lang ng kumot!!!
BINABASA MO ANG
SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)
RomanceFive years ago... Cloud Sylvana was a well-known casanova, while Rain Skye Lopez was a geek. Five years after... Cloud Sylvana became a successful business man, while Rain Skye Lopez became a famous fashion designer. What if one day they meet each o...