CHAPTER 20 – WHAT’S WRONG
"Morning, mom! Where’s dad? Masayang bati ko kay mommy. Ewan ko ba but I feel so refreshed today! Siguro kasi mahaba yung tulog ko? Siguro kasi inspired ako? Inspired? Saan naman ako magiging inspired??? Hm? Ah ewan. Basta, alam niyo na yung napag-usapan ha? Wala na akong naaalala ngayon. As in wala na. Haha, OA, joke. Syempre meron, pero maga-act ako as if nothing happened.
"Goodmorning, hija, breakfast with me? Umalis na dad mo eh." Sasagot na sana ako ng oo kaya lang kinausap ako nung isa sa mga maids.
"Ms. Rain," Tawag nito sa akin. Hindi ako nagpapatawag ng ma'am or what eh. Haha, "may naghahanap po sa inyo sa labas."
"Huh? Sino?" Naguguluhang tanong ko. Sino naman kaya ang maghahanap sa akin sa ganito kaagang oras? I looked at my watch. 8:55 in the morning.
"Eh, hindi po sinabi eh. Basta po may kotse, tapos matangkad na macho na pogi po, Ms. Rain." Matangkad na macho na pogi? Hm, siguro nga gwapo, kinikilig yung isang to habang nagkekwento eh. Ano ba naman yan!
"Si Gerald ba?" Eh si Gerald lang naman yung matangkad na pogi na pwedeng maghanap sa akin ngayon eh. Pero teka, kilala ng mga tao sa bahay namin kung sino si Gerald eh?
"Hindi po, Ms. Rain. Pero para sa akin, mas gwapo pa kay Sir Gerald yun eh." Namumula pa rin siya habang nagsasalita. Ganun ba kapogi yung naghahanap sa akin? Wow naman. Kinikilig naman ako. Hihi.
"Osige, pakisabi baba na ako. Sandali lang." Sabi ko at umalis na siya. "Ma, I have to go. May naghahanap daw po sa akin eh."
"Hindi ka na magbe-breakfast?" Tanong ni niya.
"Hindi na, mom. Dinner na lang tayo later? Mom?" At pagtingin ko kay mommy eh isang mapanuring tingin ang binigay niya sa akin. Uh-oh.
"Sino yung naghahanap sa'yo, Rain? Ikaw ha, hindi ka nagkukwento sa akin." Kunyari eh nagtatampo si mommy.
"Mommy naman. Hindi ko kilala yun noh. At tsaka, I don't expect any visitor today. Sige na ma, diretso na rin po ako sa trabaho eh. Bye! Love you!" Then off I go.
Hindi ko alam pero habang naglalakad ako palabas para tignan kung sino yung naghahanap sa akin, bigla akong may naalala. I'll pick you up tomorrow at 9 in the morning. T-teka??? Posible kayang hindi wrong number yun? Posible kayang para sa akin talaga yung text message na yun? Pero...sino yun...? Bakit niya ako hinahanap? Anong kailangan niya???
Malapit na ako sa may gate nang mamukhaan ko kung kaninong katawan yun. Isang lalaking naka-complete suit at nakasandal sa kotse niya ang bumungad sa akin. Well, ayoko siyang bigyan ng compliment. Kahit na anong compliment. Bahala kayong mag-imagine kung anong itsura niya ngayon. "Mr. Sylvana, what are you doing here?"
Nang makita niya ako eh unti-unting ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Tsk. Hindi ako maaakit sa mga ganyan-ganyan mo Sylvana. Immune na ako diyan, baka akala mo. "What do you think am I doing? Syempre sinusundo ka."
I almost laughed. "Ha-ha-ha. Sinusundo mo ako? Nagpapatawa ka ba? Kelan ko pa tinanggal sa trabaho ang driver ko at ipinalit ka?” Nakangiti pero sa totoo lang eh naiinis ako sa kanya. Nandun na yung plano ko eh! Diba? Diba!? Diba tapos nay un? Diba napagkasunduan na ng buong kaluluwa ko na iiwas ako at kakalimutan ang lahat pero ano!? Nandito sa harapan ko ngayon yung taong humalik sa akin kahapon at nagsasabing sinusundo niya raw ako!? Paksh*t naman oh! Patawang buhay to! Bakit baa yaw niyo akong patahimikin!?
BINABASA MO ANG
SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)
RomanceFive years ago... Cloud Sylvana was a well-known casanova, while Rain Skye Lopez was a geek. Five years after... Cloud Sylvana became a successful business man, while Rain Skye Lopez became a famous fashion designer. What if one day they meet each o...