CHAPTER 18 - AT THE COFFEE SHOP

1.2K 27 0
                                    

CHAPTER 18 - AT THE COFFEE SHOP

Naiwan kami ni Gerald dito sa coffee shop. Umupo siya sa upuan kung saan nakaupo yung Karvy na yun kanina. Tinuloy ko na rin yung pagkain ko na halos hindi ko pa nagagalaw. May hawak na tray ng pagkain si Gerald so that's how I knew na naka-order na rin siya.

"I didn't expect Karvy to be here. Pero mas nagulat ako na magkakilala kayo." Sabi ni Gerald. He's arranging his food on the table. Nilapag niya rin yung phone niya katapat nung phone ko.

"Mas nagulat ako na magkakilala kayo. Ha-ha. What a small world." Natatawang sabi ko. Pero kahit tumatawa ako, hindi pa rin ako mapakali. Ang totoo niyan, nate-tempt akong sabihin sa kanya na hinalikan ako ni Cloud kanina, pero hindi ko magawa. Nakaka-guilty rin because I know I should have been confiding to him right now, pero sa tingin ko, hindi sa kanya dapat sabihin yun eh. Maybe magvi-videochat na lang kami nila Khia later. Feeling ko kasi, it should be girl's talk eh.

Tsaka natatakot ako sa pwedeng gawin ni Gerald. Naalala ko kasi nung nasa France kami nun, nag-bar kami nila Khia, Gen and Nikki. Ayun, nalasing ako. Medyo moved on na ako that time so sa tingin ko okay lang naman na makipag-usap even sa mga 'strangers' doon. And that's what I did. Kinausap ko yung lalaking sa tingin ko eh nakikipag-flirt sa akin.

That time, hindi ko na mahalgilap sila Khia, siguro eh nasa dance floor o may nasa CR, I don't have any idea kung nasaan sila. So I decided to just enjoy the moment. Mukha naman kasing mabait yung guy and I didn't thought he wanted to make a pass at me. Buti na lang na-text na pala ni Gen si Gerald na sunduin kami kasi mga lasing na kami nun. Lalo naman si Nikki. Buti na lang talaga ang dumating siya, pero ang nangyari nun, binugbog niya yung lalaki. Na-ospital nga yun eh, at sa pagkakaalam ko, he stayed there for more or less a week.

Ayoko nang mangyari yun. Ayoko nang mapaaway si Gerald, so mas mabuti nga sigurong wag ko na lang sabihin sa kanya.

"Rain, okay ka lang ba?" Naga-alalang tanong niya.

Napaangat ako ng ulo tapos tinignan siya, "Oo naman. Bakit mo naman natanong?"

"Eh kasi, kanina sa phone ang tamlay ng boses mo. Tapos ngayon naman, ang tahimik mo. Hindi ako sanay." Naga-alalang sabi niya.

"Ano ka ba! Okay lang talaga ako. Promise." Pagsisinungaling ko. Kaya naman, pinilit kong maging masaya para sa kanya. "Nga pala, matagal na kayong magkakilala nung Karvy?" Pagiiba ko ng topic.

"Nung Karvy talaga? Akala ko magkaibigan kayo? Haha. Well, to answer your question, yes." Nakangiting sabi niya. "Nakilala ko siya tsaka yung barkada niya nung napaaway ako dati."

Napaaway? "Ikaw? Bakit ka naman paaway?" I asked out of curiousity.

"Maybe, I haven't mentioned this to you before..." Tapos tila nagi-isip siya. "Isa kasi ito sa mga pinakamalulungkot na part ng buhay ko. I don't exactly remember when...pero nung nasa highschool palang ako, may na-discover akong secret ni dad...he had an affair before."

"Oh. Sorry. Hindi ko alam...Kung ayaw mo sabihin, kung masakit para sa'yo na pag-usapan yun, then you don't have to tell me." Sabi ko. Although a part of me wants to know what happened. Gusto ko kasi siyang i-comfort in any way I can just like how he stayed beside me nung mga panahong...I was more than miserable.

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon