CHAPTER 6 - LONG DAY

1.5K 35 0
                                    

CHAPTER 6 - LONG DAY

Matapos kong maglibot-libot sa mall, at bumili ng ipapasalubong ko kila Mama Theresa, nag-desisyon na rin akong pumunta sa kanila. Doon pa rin naman sila nakatira, ayon sa source ko. Nagmadali na akong pumunta sa may parking lot, kung saan naroroon ang kotse ko.

Sa di-kalayuan ay may iilang lalaki ang naroroon na sa tingin ko eh magkakabarkada. Hindi ko alam pero sa tingin ko ay nakita ko na sila dati pero hindi ko lang maalala kung saan, kailan, at paano. Hayy, yaan mo na nga.

Papasok na ako sa kotse ko nang biglang lumapit sa akin yung isa sa kanila. Lima kasi sila. Oo na, puro gwapo sila. Pero mukhang mga chickboy. Kanina pa sila parang may pinagu-usapan at kanina pa rin sila tawa nang tawa. "Hi, miss."

Tinaasan ko ito ng kilay. Oo, gwapo ang isang ito. Pilipinong-pilipino ang dating pero mukhang playboy eh. Tsk. Ganyan na ba ang mga gwapo ngayon? Porket gwapo, ginagamit na ang itsura para magpa-fall ng mga kababaihan? Well, sorry. I've learned my lesson five years ago. "Yes?"

"May I know your name?" Nakangiting sabi nito. Psh. Hindi ako madadala ng mga pangiti-ngiti lang. Psh.

"No." Maikling sagot ko at pumasok na ako sa loob ng kotse ko.

Bago pa man ako tuluyang makapasok sa kotse ko ehh rinig na rinig ko yung tawanan nilang magkakaibigan. Marahil ehh pinagtatawanan nila yung lalaking nagtanong sa akin kanina.

"Kayang-kaya pala ha?" Panga-asar nung isa sa kanila.

"Akala ko ba easy lang sa'yo yung mga ganyang tipo???" Dagdag pa nung isa na mukha ring playboy.

"Wala ka pala bro eh. Hina mo!" At tawanan na naman sila ng tawanan.

Yung lalaking nagtanong sa akin kanina, nakatingin lang na parang dismayado or shocked marahil ehh dahil sa hindi ko sinabi ang pangalan ko na naging dahilan ng pagkapahiya niya sa mga kaibigan niya. Psh. Dapat lang yan sa'yo!

Sa side mirror ko ehh kitang-kita ko na nag-smirk siya tapos tumalikod na. So feeling mo pogi ka na niyan? Psh. Pogi ka nga, chickboy naman.

.

.

.

"Mama!" Masayang bati ko nang makita ko sila Mama Theresa, Lily, at Jacob.

Niyakap naman nila ako nang sabay-sabay. "Skye, buti naman at napadalaw ka! Ang ganda-ganda mo lalo! Bakit ngayon ka lang ulit pumunta dito? Ni hindi ka man lang tumatawag o nangangamusta! Sobrang nagalala ako sa'yong bata ka!"

Naiiyak-iyak na kaming lahat dito sa bahay nila. Sa bahay namin dati nung kasama ko pa sila. Hayy. Nakakamiss din pala nang sobra. "Pasensya na po. Talagang gusto ko lang makalimot noon kaya lahat ng nagpapaalala sa akin sa Pilipinas, nilayuan ko muna. Pero ngayon...Okay na po ako." Nakangiting sabi ko.

"Ate Skye! Namiss kita! Namiss ko yung mga sigawan natin dati..." Masayang sabi ni Lily.

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon