CHAPTER 2 - HELLO PHILIPPINES
RAIN'S POV
“So, tuloy na talaga ang alis mo?” Tanong ni Gen habang tinutulungan nila akong mag-empake ng mga gamit ko. Bukas na kasi ang alis ko. At excited na excited na ako makabalik sa Pilipinas! Kyaaaah! Kaya lang, hindi ko alam kung tinutulungan ba talaga ako ng mga kaibigan kong mag-empake ehh. Paano ba naman, ilalagay ko sa maleta ko tapos aalisin nila. Tapos kunyari, inaayos lang daw nila baka kasi malukot pero hindi naman binabalik sa maleta ko. Ohh diba? Ayos din tumulong tong mga to ehh noh.
“Oo. Tuloy na. Kaso baka hindi matuloy ehh...” Sagot ko habang nakatingin sa kanila.
Bigla namang nanlaki ang mga mata nila sa narinig nila. “TALAGA!?” Sabay-sabay nilang sabi.
“Oo.”
“BAKIT???” Wow ha. Hindi naman sila sumisigaw niyan. Tatlo pa sila oh.
“Ehh kasi baka abutin tayo ng isang buwan sa ginagawa niyo ehh... Ilalagay ko yung mga gamit ko sa maleta ko tapos tatanggalin niyo. Ayaw niyo ba akong paalisin??? -_-“
“Ehh kasi naman...Iiwan mo na kami???” Malungkot na tanong ni Khia.
“Grabe naman kayo! Edi umuwi na rin kayong Pilipinas! Ang tagal niyo nang nakatira dito sa Paris, bumisita naman kayong Pinas!” Sagot ko sa kanila. Habang patuloy na naga-ayos ng mga damit ko.
“Rain naman ehhh! Kasi naman...Kailangan mo ba talagang umalis???” Tanong ni Gen.
“Oo nga sabi. Babalik-balik naman ako dito ehh. Wag nga kayong madrama. Buhay na buhay pa ako. Kung sumimangot naman kayo parang mamamatay na ako.”
“Tsk. Ingat ka dun ha!?” Sabi ni Nikki.
“Sureeeee. Basta wag ka nang manlalaki!” Pangaasar ko.
“Tsk. Titigil lang ako kung titigil din yung walaghiyang lalaking yun na kakadikit sa mga babaeng lintang kung makakapit sa kanya ehh parang walang nang bukas!!!”
“So...are you saying you’re jealous?” Tanong ni Gen habang nakangisi kay Nikki. Hahah! Kung hindi ko lang kilala si Nikki, aakalain kong may gusto din siya kay Jester. Hahah.
“Wala akong naaalalang may jealous sa sinabi ko.” Defensive na sagot ni Nikki kay Gen.
“Wala ba talaga? Ehhh bakit nababasa ko sa mukha mo na nagseselos ka?” Lalong palaki nang palaki yung ngiti sa mukha ni Gen. Haha, tuwang-tuwa nay an dahil napipikon na naman niya si Nikki. Ganyan yang dalawang yan lagi ehh. Hahaha.
“Tsk! Will you shut up! I told you, I’m not in love with him!” Depensa ni Nikki. Pulang-pula na yung mukha niya tapos nanlalaki pa yung mga mata.
“I didn’t say you’re in love with Jester. I was just saying you’re jealous. Wag defensive, Nikki. Napaghahalataan ka.” Nakangising sagot ni Gen.
Namumula na nang bongga si Nikki. Haha. “Ugh. Stop talking to me, Gen.” Sabay alis ni Nikki. Si Gen naman, ayun, tawa nang tawa. Hahahah!
Hindi na rin naming napigilan ni Khia ang pagtawa.
“Hatid ka namin bukas sa airport huh?” Sabi ni Khia.
“Oh sure.”
*Knock knock
“Come in.” Sagot ko nang may marinig kaming kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
“Another bouquet of flowers for you, madam.” Sabi nung maid sa akin habang inaabot yung bouquet of red roses sa akin. Mga dalawang dosenang red roses din meron yun.
“From whom?” Tanong ko.
“Is there any card?” Tanong naman ni Khia habang nakikiusyoso sa usapan naming dalawa nung maid. Parang sa kanila yung flowers kung makatanong ehh noh? Mas excited pa sila sa akin ehh.
Well, sanay na ako sa mga ganitong gestures ng mga taong gustong umakyat ng ligaw sa akin. Magbibigay sila ng flowers pero syempre, since ayokong pumasok sa isang panibagong relationship, kaya tinatanggihan ko na lang sila in a nice way.
Hey beautiful...
Yan lang ang nakasulat. Wala man lang pangalan kung kanino galing. Ilang bouquet of roses na ang natatanggap ko these past few days na wala man lang sulat kung kanino nanggaling iyon. Kaya naman hindi ko rin kilala kung sino ang mga nagpapadala nito.
Kung ayaw niyang magpakilala, edi wag.
“Galing na naman yan doon sa secret admirer mo, Rain? Ikaw na talaga! Hahahah! Pero infairness, I find him sweet.” Sabi ni Nikki na kakapasok lang ulit sa kwarto ko as if hindi siya nabadtrip kay Gen kanina. Hahaha.
“Lahat naman sweet sa’yo. Mapuno ka sana ng kagat ng langgam sa sobrang sweet. Tsk. -_-“ Sagot ni Gen. Eto na naman po tayo. Mukhang maga-away na naman sila. Tsk.
Kaya naman, “Ohhh tama na yan! Magsasagutan na naman kayong dalawa ehh. Umuwi na nga kayo at magbe-beauty rest pa ako para maganda ako pagdating ko sa Pilipinas bukas. Haha.”
“Kelan ka pa naging concern sa itsura mo?” Tanong ni Khia in a sarcastic way.
“Shut up. Shooo!”
Hayy, bukas nasa Pilipinas na naman ako. After 5 years na nasa Paris ako, sa wakas, makakabalik na ako sa Pilipinas. Ang tagal-tagal ko nang pinapangarap na bumalik doon pero dahil sa nangyari sa akin, natatakot ako. Pero ngayon, iba na ang lahat. Iba na ako. Ibang-iba na.
.
.
.
The next day...
“Nasaan na ba si Gerald? Ang tagal naman nun...Male-late na ako sa flight ko ehh.” Pagre-reklamo ko habang nakatayo ako sa labas ng bahay ko with Gen, Nikki and Khia. “Nag-presinta pa man din siya na ihatid ako sa airport tapos male-late din pala. Tsk."
“Chill ka lang! Padating na yun.” –Gen
“Ohh, ayun na pala siya ehh.” Turo ni Khia sa isang Land Rover na papalit sa direksyon namin.
Inihatid na nila ako sa airport. Nagbilin sila na mag-ingat ako. Haha, grabe lang talaga. Bakit? Ganun ba ako ka-careless sa sarili ko? Hindi naman ahh. Maya-maya ehh nakarating na rin ako sa airport. Nagpaalam na ako sa kanila.
In a few hours, nasa Pilipinas na ako. I am so excited! Kyaaaaaah!
.
.
.
*cellphone ringing
*mom calling
Sinagot ko ang phone ko. “Ma!?”
“How are you? Nasa Pilipinas ka na ba ngayon???” Excited na tanong ni mommy. Ang tagal ko na rin silang hindi nakita. Almost a year din simula nang nauna silang umuwi sa Pilipinas. One reason din kung bakit gusto ko umuwi dito, ehh para makasama ko sila. For some reason kasi, hindi ko sila makasama ng matagal. Dahil na rin siguro sa sobrang busy nila sa work. And now, finally, they decided to settle in the Philippines
“Yes, ma. Actually, kakababa ko lang ng plane. I’ll just have my things checked before I go there.”
“Ma’am, may mga reporters po oh...” Sabi nung assistant ko. Kasama ko rin kasi siya dito sa Pilipinas. Siya lang kasi yung nagi-isang tao na pinagkakatiwalaan ko pagdating sa trabaho ko. Kaya naman, sinama ko siya dito sa Pilipinas.
“Ohh... yes...” Nagmadali na kami sa paglalakad dahil baka makita pa kami ng mga reporters. Hindi naman sa assuming ako kaya lang may banner kasi sila na nagwe-welcome sa akin. So alam nilang uuwi ako sa Pilipinas? Tsk. Wala talagang ligtas pagdating sa media ehh noh? “Ma...gotta go. See you soon. Bye.” Then I hung up the phone.
Pasakay na sana ako doon sa kotse nang biglang mahagip ng tingin ko yung banner nung mga fans? At doon sa tarpaulin nila, nakita ko ang mukhang hindi ko inaasahan na makikita ko the moment I set my foot here. I thought...nagkakamali lang ako...But it’s for real.
BINABASA MO ANG
SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)
RomanceFive years ago... Cloud Sylvana was a well-known casanova, while Rain Skye Lopez was a geek. Five years after... Cloud Sylvana became a successful business man, while Rain Skye Lopez became a famous fashion designer. What if one day they meet each o...