SPECIAL CHAPTER - GERALD'S POV

1.6K 33 0
                                    

GERALD'S POV

Inaasikaso ko na yung passport ko para makauwi na rin ako sa Pilipinas. Gusto ko rin kasing doon mag-trabaho at doon mag-settle in kasi naman diba, isang Pilipino din ako. Gusto kong mag-trabaho sa sariling bansa ko. Tama na yung ilang taon na nag-stay ako sa France para doon mag-aral. Gusto ko nang tumira sa Pilipinas...Siguro naman for some reasons, magbabakasyon pa rin ako sa ibang bansa.

Another reason kung bakit akong pupunta ng Pilipinas ehh dahil may mahalaga daw na sasabihin si dad sa akin. Sabi niya, kailangang sa Pilipinas na daw kami mag-usap kaya pinapauna na niya ako. Next month pa kasi siya makakauwi dito sa bansa kasi busy siya sa England for his business trip. May inaasikaso kasi siya doon, magpapatayo ata ng bagong company? Ah basta ayun.

Pero yung main reason ko talaga kung bakit ako luluwas ng Pilipinas, ehh dahil sa bestfriend ko. Haha, miss na miss ko na kasi yung babaeng yun eh. The first time na makilala ko siya nung mga bata pa kami, ang gaan na agad ng loob ko sa kanya. Hanggang sa hindi na lang friendship ang nararamdaman ko para sa kanya. 'Cause I learned to love her. Hindi naman kasi siya mahirap mahalin, ang malas na lang nung lalaking gagaong yun na nang-iwan sa kanya 5 years ago.

Ni hindi niya alam kung gaano kahirap para kay Rain ang mag-survive sa bago niyang school. Kung pwede ko lang maging kaklase si Rain edi sana ginawa ko na. Kaya lang, fashion designing kasi ang degree niya eh. Alangan naman, magganun din ako? So gay. Hahaha. De joke lang. Basta kasi may kumpanya kami kaya ako ang dapat na magmamana nun kaya business management ang kinuha kong degree.

Anyway, ako nga pala si Gerald Ian Benitez. Nagtapos ako ng collge kung saan nag-aral si Rain. Kaya lang magkaiba nga kami ng degree, like what I have said. Naging bestfriend ko si Rain before at kahit hindi kami magkaklase ehh naging close pa rin kami. I get her number at binigay naman niya iyon. One thing I know about Rain? Madali siyang magtiwala. No wonder, ilang beses siyang naloko sa buong buhay niya.

Oo, I was there. I was there sa tuwing iiyak siya, I was there para patahanin at i-comfort siya...All the time, I was there...Lalo na nung mga panahong halos isumpa niya sa galit yung Cloud na yun. She told me everything. As in everything. Nagsisisi tuloy ako na iniwan ko siya nun sa Pilipinas. My family migrated here in France, hindi ko lang alam kung bakit. Wala naman akong magagawa kasi nga, bata pa ako nun. I was only 4 years old by that time. Pero alam ko na nun, mahalaga si Rain sa buhay ko kasi kaibigan ko siya...Pati si Mawu kaibigan din namin.

Pero kay Mawu? Wala na akong balita ngayon. Nagkita daw ulit sila ehh, nung bumalik si Rain sa Pilipinas para doon mag-aral ng fourthyear highschool. Sana lang ehh magkita-kita kami kapag bumalik na ako sa Pilipinas. Ilang years na rin ako hindi nakakaapak sa bansang yun. How I miss to be back home.

Teka, nasa Pilipinas na kaya si Rain? Did she have a safe trip? Bakit kaya ni hindi man lang tumatawag o nagte-text yun sa akin? Tsk. Yung babaeng yun talaga. Pasaway, Bago ko siya hinatid sa airport, binilinan ko siyang tawagan ako pagdating niya sa Pilipinas. Tsk. Sana pala sumabay na lang siya sa akin. Kung hindi lang sana siya madaling-madali umalis, edi sana magkasabay kami ngayong luluwas sa Pilipinas? Tsk.

Sobrang naga-alala talaga ako para sa kanya. What if...what if...makita niya ulit yung Cloud na yun? Aysh, ayokong isipin. Tsk. I will make a way to make her fall for me. I've spent a lot of years only listening to her painful stories, at ngayong sabi niya ehh naka-move on na siya, I think, it's my turn now. You'll never cry again, Rain. Ulan lang ang iiyak, pero ikaw, hindi.

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon